NI: VINIA VIVAR

Sa kanyang Instagram post, nilinaw ni Ai Ai delas Alas na hindi pa raw patay ang kanyang doktor na tinaaman ng coronavirus.

Kasalukuyan daw nasa ICU (intensive care unit) ang kanyang doktor na nahawa raw sa COVID-19 positive na nagsinungaling tungkol sa travel history nito.

“Kausap ko po yung gastro entorologist namin ng nanay ko .. kasi nasa facebook na patay na daw yung doctor ko sa pulmonary na si DR AYUYAO .. HINDI PA PO PATAY nagpapa galing sa icu at pls paki down na lang yung post ninyo ..” ang bahagi ng post ni Ai Ai.

Nakiusap din ang komedyana sa mga COVID-19 patients na huwag daw magsinungaling.

“At PLS DIN PO WAG SANA KAYO MAGSINUNGALING PAG MAY COVID KAYO MAG QUARANTINE NA KAYO .. kasi kawawa din naman mga doktor na nahahawa sa inyo .. salamat po .. malalampasan naten to — kung tayo ay mag cooperate at mag kakaisa .. GOD BLESS US,” sey pa ng Comedy Queen.

Isa pang niinaw ni Ai Ai ay wala raw silang COVID ng kanyang ina.

“And thank you po dra lirio cham ..( wala po kaming covid ng nanay ko si dra kasi ang doktor namin sa colon namin and si dr ayuyao naman pag may asthma ako noong araw na hindi pako organic FYI),” paglilinaw ng komedyana.