tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Sa mga nanalo sa katatapos na Cinemalaya­ 14, ang diva that you love’s fearful forecast, dalawa ang tama kong nahulaan. Si Ketchup Eusebio ang tinanghal na pangalawang pinakamahusay na aktor­ para sa ‘Mamang’.

Ang panga­lawang pinakamahusay na aktres, si Therese Malvar, not one, but two Balanghai trophies ang inuwi,­ para sa ‘Distance’ at ‘School Service’.­

Walang nominasyon sa Cinemalaya, kaya nakaka-tumbling na si Malvar, walang ibang kalaban kundi ang sarili niya. Kabogera si Therese, ginalingan naman kasi.

Masaya rin na ang kaibigan kong munting prinsipe, si Kenken Nuyad, special jury award ang inuwi para sa mahusay at makakatotohanan niyang pagganap sa ‘Liwa’ at School Service.

Ayon sa isang kuwento, ang mga tao sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng CCP, standing ovation­ ang ibinigay kay living legend Eddie Garcia nang tawagin itong pinakamahusay na aktor para sa ML.

Pangatlong Balanghai na ito ni Sir Eddie. Para sa mga pelikulang ‘ICU Bed #7’ at ‘Bwakaw’, inuwi niya rin ang mga Balanghai.

Ang pinakamahusay na aktres, si Ai-Ai delas Alas para sa School Service wala sa awards show. Ngayong may Balanghai na si Delas Alas, ang pangarap niyang jackpot na tangha­ling pinakamahusay na pangunahing aktres sa URIAN sa nalalapit na hinaharap?

Ang biggest winner­ ay ang ‘Kung Paano­ Hinihintay ang Dapithapon’, Best Film, NETPAC Jury Prize Award, Best in Screenplay, John Carlo Pacala, Best in Cine­matography at Best in Production Design.

Ang pleasant surprise element sa Dapithapon ay ang katotohanang ang direktor nito, si Carlo Enciso Catu at si Pacala, ang screenplay writer, pareho pang in their early 20’s pero ang cinematic aesthetic at language nila, panalong-panalo na!

Nawa’y ang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon at ang crowd favorite na Liway,­ magka-theatrical release dahil itong da­lawa talaga ang best Cinemalaya offerings ngayong season na ito.