KABOGERA kung kabogera. Ganyan ang dramarama para sa pelikulang Area ni Ms. Ai Ai de las Alas.
Not one, but two prestigious international film festivals na agad ang nag-imbita rito para makipagkabugan sa iba pang noteworthy films.
Ang reaction shot ni Ms. Ai sa news na ito, “First time akong magkaka-red carpet moments sa mga international film festivals kaya masaya at excited.
“Pupunta talaga ako kung saan man sila gaganapin. Hindi issue sa akin kung hindi ako manalo.
“Kasi, ngayon pa nga na imbitasyon pa lang, pangarap kong jackpot na ang dating sa akin.
“Bakit hindi ako magiging masaya eh pang-international na ang beauty ko, neng? Hahaha!
“At least, ma-experience ko na kung paano um-attend sa isang international filmfest, with the international press ang Q & A at photo ops.”
Para kay Ms. Ai, ang pagganap niya bilang aging prostitute ay, “Emotionally, mahirap. Acting wise, hindi madali ang pinagdaanan ko.”
Kumusta ang chikang may breasts exposure siya sa movie? “Secret! Hahahaha! Abangan na lang nila pag ipinalabas na ito sa pinakasuki nilang sinehan.”
***
Ang isa pa sa nagbibigay ng special glow sa Comedy Queen ay ang patuloy na pag-suporta ng balana at dabarkads sa mag-iisang taon na Sunday PINASaya.
May chikang Japan-bound ang cast at staff ng PINASaya at regalo ito sa kanila for a job well done.
Ano kaya ang taglay nilang pambihira kaya sila ang naghahari at nagrereynang show tuwing Linggo?
Sawa na ba ang audiences sa grand musical tributes at mas bet nila ang current at chic na STAR BUZZ segment kung saan bida sina Ms. Ai, Kissy Aquino at Boy Amunda?
Bet na bet na ba talaga at Sunday staple na ang mga mini-musicals at comedy sketches na they offer?
Most of the timers and newbies na gay comedians, nasa PINASaya na.
Sila ba ang magical sangkap kaya halinang-halina ang dabarkads at pati tuloy the madlang pipol are making the big Sunday switch?
Basta ang Comedy Queen, walang dudang sa mga poste sa Sunday noon time musical variety habit of the Kapusos.
Paano mo nasabing sawa na ang mga tao sa mga musicals? Sawa na ang mga tao sa mga palabas na baduy at walang kakwenta kwenta tulad ng sayang sayang na yan