Ai Ai iwas bugnot sa panadera

NI:ARCHIE LIAO

Aminado si Ai Ai de las Alas na apektado ang kanyang kabuhayan showcase dahil sa coronavirus pandemic.

“Pag kasi artista kapag wala kang trabaho,wala kang kita, so dapat may fallback ka,” aniya.

“So dapat, may pagkukunan ng ibang income,” dugtong niya.

Dahil sa quarantine,sarado ang kanyang restaurant kaya naman nagbi-bake na lang siya ng pastries online .

“Enjoy naman ako kahit panadera ang peg.Mainam din iyong may ginagawa ka para iwas-buryong,” pahayag niya.

Kung may idinarasal daw siya,ito ay ang ma-lift na ang enhanced community quarantine.

“Sana bumalik na sa normal ang lahat at magkaroon na ng vaccine na panlaban sa covid,” sambit niya.

Naging pagkakataon din daw ang home quarantine para maka-bonding niya ang kanyang asawang si Gerald,mga anak na sina Sancho at Sophia at adopted son na si Seth Andrei.

Napagtanto rin niya during the lockdown na sa panahon ng krisis, hindi na mahalaga ang mga materyal na bagay lalo pa’t walang sinasanto ang COVID-19 mahirap man o mayaman.

Nananawagan din ang komedyana na sa halip na mamulitika at batikusin ang administrasyon ay makipagtulungan na lamang ang lahat sa gobyerno.