Ai Ai Delas Alas
Ai Ai Delas Alas

PAPAL Awardee. Box-Office Queen. At ngayon, Queen’s World Film Festival best performer para sa pelikulang Area si Ai Ai de las Alas.

May kulang pa ba sa karera niya?

Sagot agad ni Ms. Ai, “Urian, wala pa ako. Feeling ko, mananalo na ako this year. May pressure sa mga Manunuri, kasi, may international award na ako. Hahaha!

“Kidding aside, feeling ko kasi, ‘pag may Urian trophy ang artista, magaling ka rito sa atin. Parang stamp of approval siya na mahusay ka talaga sa larangan ng pag-arte.”

Ang pakiwari niya tungkol sa pagkapanalo, “Bukod na ito ay gift ni God, sa tingin ko ‘yung mga jury, nag-sympathize kay Hillary.

“Kasi, hindi madali ang buhay niya. Sa pagkakatanda ko, first day of shoot, ‘yung pinakamabigat na eksena agad ang pinagawa sa akin ni Direk Louie (Ignacio).

“‘Yung na-discover ni Hillary na all her life savings, ninakaw. Grabe ‘yun. Kasi, tuhog ang eksena. Tuluy-tuloy, walang cut. ‘Yung isa pang scene, ‘yung pagkikita namin nu’ng anak ko.

“‘Di ba, noong una, akala ko, customer ko siya? Iyun pala, hindi. Na-take two nga ako du’n, ‘neng, kasi mahirap ang shifting. Kaila­ngan mag-internalize.

“Internalize talaga? Buhkit? Hahahaha!

“Thankful talaga ako kay God, kay Mama Mary kasi nga, despite and inspite of all the things that happened in my life, ‘yung talent na binigay Niya sa akin, whether sa drama or sa comedy, nagagamit ko at tama ang paggamit ko rito.

“I make people laugh. I want to believe na kahit paano, I inspire people at salamat kay God, hindi Niya pa kinukuha ang talent ko, marami pa siyang plano for me, gusto Niya na mas marami pa akong mapasaya at matulungan,” paglalahad ng Comedy Queen.

Patuloy pa ni Ms. Ai, “Alam mo ‘neng, I am humbled by this. ‘Di ba nga dapat, magnanimous tayo in victory. Kaya itong panalo ko, I give it all up to Him, at kay Mama Mary.”

May dagdag presyo ba sa kanyang talent fee at may additional demands na ba siya ngayon, kasi, internationally-acclaimed na siya?

Say ni Ms. Ai, “May dagdag pero maliit lang, Hindi kalakihan. Hahaha! At walang akong mga demands.

“Wala sa bokabolaryo ko ‘yung diva-divahan at arte-artehan. Bonus na ang ma-recognize.

“Ang mga trophies, masarap ‘pag tinatanggap mo. Pero mas masarap na ‘yung talent na ibinigay Niya, ginagamit mo sa tama.

“Alam mo, iba ‘yung high ko pag alam kong nakakapagpaligaya ako sa fans ko.”

Eh sa bashers, sanay na ba siya?

“Oo naman. Hindi na ako apektado. Ako, I just pray for them.”

Ano pa ang gusto niyang gawin sa career niya?

“Gusto ko siempre, kung mother role, dapat ibang facet naman of a pagiging nanay dahil iba-iba talaga ang mga nanay.

“Gusto ko rin to do more roles na empowered ang mga babae. Ako kasi, masaya na kahit comedienne ako, nabigyan ng chance to do drama.

“Sana rin, ‘yung iba, magka-chance din. Sa totoo lang, mahirap mag-comedy. At naniniwala ako na may pagpapatawa na we laugh so hard pero it really hurts us.

“At may drama naman na ang hatid, pitik o patawa sa buhay. Kumbaga, comedy can be drama and drama can be comical as well.

“Oh ‘di ba, ‘neng? Inglis ‘yan. Pa-deep. Hahahaha!”

Bet niya rin na makapagtrabaho sa isang international film.

Bulalas ni Ms. Ai, “Why not? Kahit support-support, go. Kasi alam ko, kung makakasali ako sa isang international film pro­ject, marami akong matutuhan.

“Ako kasi, laging open to learning new things. Saka magandang experience sa pakikisalamuha sa iba.

“At makakasabay naman ako sa Inglisan na walang nosebleed moment. Hahahaha.”

Ang kanyang dream role, “Gusto ko, kung given talaga the chance, sana makagawa ako biopic. Challenging sa akin to do a role na kunyari, si Mother Teresa of Calcutta.

“Ang buhay niya, interesting. At maraming aral na matutuhan.”

Eh kung si Ms. Cory Aquino ang ialok?

“Ay, huwag na si Tita Cory. Ang layo namin. Parang mas bongga kung Imee Marcos na lang, feeling ko pwede.

“Mas mag­kawa­ngis kami, hahaha!”

One Response

  1. kunwari down to earth, pero feeling may kayabangan……hindi dahil sa husay ang naging basehan kaya naging best performer ka….kundi mukha kang eng-eng…..mga badoy na nilalang lang nanonood ng movie mo…..