GAGAWA si Ai Ai de las Alas ng pelikula sa Star Cinema ng ABS-CBN, pero mananatili siyang Kapuso.

“God is so great and good. Ako pa rin po ay isang Kapuso. Binigyan ako ng chance ni Lord na maging Kapuso ulit,” sabi ni Ai Ai matapos pumirma muli ng eksklusibong kontrata kahapon sa GMA 7.

“So, nandito po ulit ako. Thank you sa lahat ng bosses namin sa GMA.”

Thankful si Ai Ai sa patuloy na suporta at pagtitiwala sa kanya ng Kapuso Network.

Aniya, “Kasi, di ba, dito naman talaga ako nag-start. Parang coming home ulit. Siyempre, mahal nila ako at binibigyan nila ako ng work.”

Maliban sa Sunday Pinasaya at sa TV show nila ni Vic Sotto, makakasama siya sa isang upcoming teleserye.

Masaya si GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon sa pagpirma muli ni Ai Ai sa Siyete.
Pahayag ni FLG, “Si Ai Ai ay tinatawag natin na balikbayan. Alam naman niya kung nasaan ang puso niya ngayon.

“Para sa atin, she is always welcome. I for one, talagang pinapanood ko ang mga shows ni Ai Ai.”

Ang sabi naman ni GMA Entertainment TV Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, “Mahal namin si Ai Ai. We welcomed her back a few years ago.

At hanggang ngayon ay napakaganda ng relationship ng GMA at ni Ai Ai.

“We love her and we love having her here in GMA.”

One Response

  1. ang artist kasi kung saan may project ay doon sila, nagiging masama lang ang dating ng mga bagay bagay kasi dahil ng mga taong nakapaligid sa kanila. iba kasi ang dating sa mga taga suporta, manonood at nag babasa ng mga inpormasyon dahil din sa mga taga balita at taga pag-sulat. nabibigyan ng ibang kulay ang lahat ng mga salita at gawa ng bawat isa.