Hindi na tuloy ang plano ni Ai Ai delas Alas na magbuntis next year via IVF o in vitro fertilization.

‘Yun ang malungkot na balita ng Comedy Queen, na excited pa naman sanang mabigyan ng anak ang mister niyang si Gerald Sibayan.

Health reasons ang sinabi ni Ai Ai dahil mahihirapan siyang magbuntis sa kanyang organic lifestyle, na puro organic ang kinakain niya at kahit nagkakasakit siya, hangga’t maaari ay hindi siya umiinom ng gamot dahil iba na ang epekto nito sa kanya.

So, naisip nilang mag-asawa ‘yon na magkakaroon ng effect sa baby kung puro organic ang kinakain niya. 4 years na pala ang organic lifestyle ni Ai Ai, na ginawa niya dahil walang gamot sa kanyang psoriasis.

Pero dahil doon ay parang binura ang psoriasis niya. Kaya lang, ‘pag may nakain daw siya na nagti-trigger ng allergy niya ay napipilitan siyang uminom ng gamot, na hindi niya raw magagawa ‘pag nagbuntis siya.

Hindi niya rin magawang itigil ang kanyang organic lifestyle dahil nagkakasakit siya, samantalang mula nang gawin niya ito ay naging healthy siya.

Nalungkot ang Reyna ng Komedya, pero mas iniintindi niya ang kapakanan niya at ang kapakanan din ng magiging anak niya.

Medyo naiiyak si Ai Ai nang sabihin niyang mukhang wala na talagang pag-asa na magkaanak pa siya the natural way.

If ever ay puwede pa naman silang magkaanak ni Gerald, through surrogacy o kaya ay adoption. Ang gusto raw sana ni Ai Ai ay siya mismo ang magbuntis, pero mukhang kailangan na niyang isantabi ang idea na ‘yon.

Siyempre, nalungkot daw ang asawa niyang si Gerald, pero sabi ni Ms. Ai, “Hayaan mo, God is good. Mangyayari at mangyayari ‘yan, magkakaroon kami ng baby. Makikita niyo na lang, meron na kami. ‘Ayy, bibinyagan na ‘yung anak namin!’ Gano’n!”

So, kahit na anong paraan pa ‘yon, basta gusto talaga nilang mag-asawa na may baby sila?

“Oo. Kahit anong paraan, basta kailangan may baby kami ni Darling!” bulalas ni Ai Ai.

Betong: May problema ba kayo sa bading?

Wala raw love life ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya.

Sa tanong kung bading ba siya, ang sagot ni Betong ay, “May problema po ba kayo sa bading?” sabay tawa.

Eh kung bading nga siya, isyu pa ba ‘yon sa panahong ito?

“Hindi na dapat issue kung ano ang sexual preference,” sey ni Betong, na tumatak ang babai-babaihan na karakter niya sa “Bubble Gang” na si Antonietta.

Wala siyang love life, eh sex life meron ba?

“Aba, kung wala pa ‘yon, kaawa-awa naman ako,” natatawang sagot ng komedyante.

Talaga? Babae o lalaki?

“Hindi ako sure. Pero ‘yung huli po, nangagat, eh! Ha! Ha! Ha!”

Si Maey Bautista ay muntikan na raw niyang maging dyowa lalo na nu’ng manalo siya sa “Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown” na may pera na siya. Nu’ng wala pa raw siyang pera ay hindi raw siya pinapansin nito.

Ngayong gabi ay bidang-bida si Betong sa kanyang first solo concert na “Betong’s Amazing Concert: Try Ko Lang Ha?” sa Music Museum.

Patok daw ‘yung dance showdown na lagi nilang ginagawa ni Alden, so ‘yun ang prod nila tonight. Mga bagong sayaw ang babanatan ni Alden at sa kanya ‘yung mga throwback dance hits, tapos sa dulo ay sabay silang hahataw.

Sa dami ng guest, malamang abutin daw ng hatinggabi ang show!

Ha! Ha! Ha! PAK!!