ANG pelikulang Area ni direk Louie Ignacio ay magwo-world premiere bilang film in competition sa Eurasia International Film Festival sa Almaty, Kazakhstan.

Sa Setyembre 24 hanggang 30 ang nasabing international film fest.

Ang Area ay isa sa 12 pelikulang makikipagkabugan sa mga kategoryang Grand prix, best director para kay direk Louie, best actor para kay Allen Dizon at first international best actress nomination ito ni Ms. Ai Ai de las Alas.

Reaksyon ni Dizon sa kanyang latest international nomination, “Masayang-masaya ako, kasi, kahit paano, napapansin ang mga pelikula natin sa ibang bansa.”

“Sa abroad masarap lumaban, kasi, equal foo­ting. Kahit sikat sa Pilipinas, hindi nila kilala, pantay-pantay kayo.”

“May the best win kumbaga. Syempre, may kasamang luck at prayers ‘yun. In God’s grace.”

“Kung destiny na manalo, sobrang pasa­salamat sa Diyos.”

***

Kaaliw ang reaksyon ni Ms. Ai, “Nominated ba ako? Hindi ko alam. Double check mo muna, neng. Hahahaha!”

Noong sinabi kong galing mismo sa mga producers niya ang magandang balita, “Ay ganu’n… Ay, nyek, seryoso??? Kakagulat naman! Parang huminto ang puso ko, neng.

Hahahaha! Salamat sa Diyos!!!!”

“At saka ma-nominate lang ako, okay na ‘yun, lalo na’t international film festival ‘yun.”

“Sobrang blessing ito. Sobra-sobra na nga ang ble­ssings ko, may bonus pang ganito. Parang nanuyo ang lalamunan ko.”

“Hahahaha! Basta kung ano ang gift ni Lord, amen.”