Nagsimula nang rumesbak ang mga komedyana sa mga sexy actress na walang pakundangan na ipangalandakan ang kanilang mga bodilicious figure sa social ­media.

Nagparamdam na nga ang mga kilalang komedyana na hindi lang sila pang-comedy, kundi pang-­titillating din naman.
Nababaliw ang netizen sa pagba­landra nina Ai-Ai delas Alas, Pokwang, Kakai Bautista, Kitkat at Kiray Celis ng kanilang mga bikini photo.

Noon pang nakaraang taon, nangu­nguna na si Kiray sa pagpoposte ng kanyang mga two piece at one piece bikini photo sa kanyang Instagram wall.

Hindi naman nagpahuli si Kakai nang mag-post din siya ng kanyang bikini shot sa isang resort at ipinagmalaki pa ang kanyang kaseksihan.

Ganoon din si Kitkat na ang hirit ay ‘let’s go to the beach’.

Hindi rin nagpakabog ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai sa mga sexy shots niya.
Inuna muna ni Ai-Ai ang pagpo-post niya ng kanyang nude half body sa IG na ginaya kay Jennifer Lopez.
Natupad na ang pangarap niya na ipa­kita ang maganda niyang figure kahit nasa 50’s na ang edad niya.
Tila naeng­ganyo naman si Pokwang na ipakita ang kanyang throwback photo in a two piece bikini.

Ang labanan lang naman ay patapa­ngan ng apog at ma­tinding conviction sa kani-kanilang mga sa­rili. Kahit nakakatawa sila, may angking kasek­sihan din naman.

Pero ang dating talaga, nakakatawa, nakakaaliw, naka­kabaliw sina Ai-Ai, Pokwang, Kakai, Kitkat at Kiray. Hindi mo alam kung seryoso ba sila sa ginagawa nila o gusto lang nila talagang magpatawa.

Kayo na KAbante ang humusga, sino kina Ai-Ai, Pokwang, Kakai, Kitkat at Kiray ang dapat tanghaling “Sizzler Comedy Star”?
Sino sa kanila ang pinakamaangas?