Ai Ai Delas Alas
Ai Ai de las Alas

MAGKAKASUNOD na announcement sa Facebook at Twitter ang ipinost ng mga Pilipinong dumalo sa nakaraang Asean International Film Festival Awards sa Kuching, Sarawak, Malaysia.

Si Ai Ai de las Alas ang bonggang winner doon dahil nakuha niya ang Best Actress award (Area).

Si Louie Ignacio (Area) ang Best director.

Nandoon si Direk Louie kasama ang producer nilang si Baby Go at ang Best Actor nominee na si Allen Dizon.

Bale pangalawang international award na ito ni Ai Ai na hindi niya personal na nakuha.

May Sunday Pinasaya kasi si Ai Ai, at big promo pa ng pelikula niyang Our Mighty Yaya na magsu-showing na sa May 10.

Nabasa na lang namin sa Instagram account ni Ai Ai na nagpasalamat siya sa dagdag pang blessing na ibinigay sa kanya ng Diyos.

Aniya, “Maraming maraming salamat po Panginoon sa blessing na ito… walang hanggang pasasalamat sa Inyo a­ming HARI AT PANGINOON…(Mama Mary I love you, thank you sa lahat ng bulong mo kay Lord).”

Ibinahagi ni Ai Ai ang award sa kanyang mga anak at sa kanyang magiging asawa na si Gerald Sibayan.

Bukod kay Ai Ai, winner ding Best Supporting Actor si Ricky Davao (Dayung Aso), Best Supporting Actress si Ana Capri (Laut), Best Edi­ting si Lawrence Fajardo (Imbisibol), at binigyan ng Special Honor Award ang Ang Babeng Humayo ni direk Lav Diaz.

Dumalo rin doon si Nora Aunor kasama niya si John Rendez, dahil siya ang nag-present ng Lifetime Achievement Award. Si Nora ang recipient ng Lifetime Achievement Award nu’ng 2015.

Congrats sa lahat ng nagwagi.

Mabuhay ang mga Pi­lipino!

2 Responses

  1. Congrats…yan, yayabang ka na naman…hahahhahahhah…tiyak ipagyayabang na naman nya yan kay Kris, kung ikaw puro International Awards, semplang ka pa rin kay Kris, pang International Award giving bodies ka lang para sa local film categories, pero si Kris, pang Hollywood na ang Acting…hahaahaha…