Hindi na pinalagpas ng comedy actress Ai Ai delas Alas na manawagan sa mga babaeng nagpapantasya sa kanyang asawa na si Gerald Sibayan.

Sa kanyang recent Instagram post, lakas-loob niyang sinabi na siya na ang nagmamay-ari ng puso ni Gerald. Sa unang bahagi ng kanyang post ay hinikayat muna niya ang netizen na magsimba at palaging magpasalamat sa Diyos.

Aniya, “Good morning .. be thankful in all circumsntances kaya thank you lord sa isang blessing na naman nagising ako at nag airfry ng food ko si darl.. and if may time kayo pwede din tayong magsimba araw araw .. sabi nga si bro alvin sa the feast pag nagsisimba ba araw araw lalampas sa langit? natawa ko sa sinabi nya TAYO DAW NANOOD NG TV ARAW ARAW LUMAMPAS BA TAYO SA TV? Hehe oo nga naman .. maraming form ng blessings and isa ito sa simple pero napakasaya sa puso.”

Sa huli ay sinabi niyang iniaalay niya ang post para sa mga nagtatangkang agawin ang asawa niya.

Aniya, “PS: dedicate ko ang post na to sa mga pookersyang gusto agawin ang asawa ko wag ng umasa may nanalo na—-AKO!!!! Uwi na at manahimik sa mga bahay nyo hahaha.”

Kinilig naman ang mga netizen sa pagiging sweet ni Ai Ai, bahagi kasi ng larawang ibinahagi niya sa post ay ang note na naghahabilin sa pagkaing inihanda niya para sa asawa. (Rona Ronda)