NAGALIT si Ai Ai delas Alas sa isang movie reporter na nagtraydor sa kanya.

Kailan lang ay nagpa-picture ang movie reporter kay Ai Ai sa shooting ng latest movie nito.

Nag-react ang Kapuso Comedy Queen sa ipinost ng movie reporter na blind item sa Facebook.

Tungkol iyon sa isang aktres na ayaw na raw gastusan ang pagpapatuloy ng rehab sa dating child actor kaya napilitan na lang itong lumabas.

Obvious na sina Ai Ai at Jiro Manio ang tinutukoy.

Napansin namin iyun sa Facebook at nakita pa naming sumagot si Sancho de las Alas.

Hindi nagtagal ang post na iyun dahil tinanggal din dahil pinutakti ng bashers si reporter.

Hindi ito pinalagpas ni Ai Ai, nag-react siya at ipinost ang kanyang sagot sa Instagram.

Nasa post na iyun ang text message ni Jiro na sinasabing gusto na nitong lumabas, pero willing bumalik kung kinakailangan at kung mate-tempt siyang bumalik sa dating bisyo.

Ang caption ni Ai Ai sa post na iyun, “Hindi ko po ugali ang mag-post ng tungkol sa mga bagay-bagay na itinutulong ko or problema sa buhay ko…

“Nakikita naman sigu­ro ng followers ko na puro positive lang ang inilalagay ko dito…

“And sa mga balita re Jiro, ayoko nang magpaliwanag. Kasi, sabi sa Bibliya at gusto ng Diyos, pag tumutulong ka, di mo kailangan ipagsabi… it’s between you and GOD.

“Hanggang sa kagabi isang hindi sikat na reporter ang nag-blind item sa akin sa Facebook na alam na alam mong ako ‘yung tinutukoy na gusto ko raw palabasin si Jiro sa rehab dahil ayaw ko nang gastusan???

“Huh??? Aba may ganu’n na palang lumalabas na balita kaya ikaklaro ko lang…

“DOON SA MGA HINDI NAMAN NAKAKATULONG AT NANINIRA LANG, SI LORD NA BAHALA SA INYO…

“And si JIRO, PAIBA-IBA ‘YAN NG ISIP. SO MINSAN, WALA NA LANG AKO MAGAWA KUNDI IPAG-PRAY SIYA…

“Yan ang text niya noon June 3… at ngayong araw na ito nandoon siya ulit sa rehab… AKO PA DIN ANG NAGBABAYAD HANGGANG NGAYON NG REHAB NIYA.

“Kaya kayong mga walang magawa, mapanghusga at walang naituong or maiitulong…SHUT UPPPP!!! (‘yun lang po!) #mgapabida #mgaepal #kayokayamagbayad #akonamanmaninirasainyoparamaiba.”

***

Halatang masama ang loob ni Ai Ai, lalo na’t bukod sa nai-post na iyun sa FB ay kaagad may nag-pick-up at na-blind item din sa isang radio program.

Naka-text naman namin ang movie reporter na tinutukoy ni Ai Ai, at sinabi niyang tinanggal na niya ang naturang post dahil binaha siya ng bashers.

Nai-post din niya sa FB na ganu’n daw pala ang naba-bash nang bonggang-bongga.

“Dedma na lang te,” bahagi ng text niya sa amin.

Sinabihan namin ang reporter na kausapin si Ai Ai at magkaayos na lang silang dalawa.

Mabait ang Comedy Queen, at malamang kakalimutan na lang niya ito.

Sa totoo lang, marami sa mga kapatid namin sa panulat na tinulungan ni Ai Ai sa oras ng pangangailangan na ayaw na lang niyang ipasulat.