Ai Ai, unang magpapakasal sa ipinapatayong simbahan

AiAi Delas Alas

CONSISTENT ang pag-iwas ni Ai Ai de las Alas sa isyu sa kanila ni Kris Aquino.

Nakaisip siya ng magandang palusot para hindi ito sagutin.

Kaya nang humarap sila sa presscon ng 1st anniversary celebration ng Sunday Pinasaya, hiniritan pa namin si Ai Ai na baka mag-surprise si Kris sa anniversary episode nito pero walang reaksyon diyan si Ai Ai.

Ang pagkakaalam niya, dalawang buwan nang pinaghandaan ng staff ng Sunday Pinasaya ang anniversary episode nila na hahatiin ng da­lawang Linggo.

Mapapanood ang kanilang 1st anniversary celebration sa September 4 at 11.

Masayang nakipagtsikahan na lang sa amin si Ai Ai nang napag-usapan ang tungkol sa ba­lak na pagpapakasal.

Nilinaw ng Comedy Queen na wala pa silang balak na magpakasal ng non-showbiz boyfriend niyang si Gerald Sibayan.

Ang gusto raw kasi ni Gerald, siya ang gagastos ng kasal kaya pinag-iipunan na nito.

“Kasi hihingi talaga ako ng magandang wedding,” natatawang pakli ni Ai Ai.

Simple lang ang gusto niyang seremonya, pero gusto niya na bongga ang suot niya mula sa wedding gown, hanggang sa sapatos at make-up.

Matagal pa raw ang pinaplanong wedding dahil ang gusto talaga ni Ai Ai, siya ang unang magpapakasal sa ipinapatayo niyang simbahan.

Ito ‘yung matagal nang kinakarir ni Ai Ai na pinapatayong Kristong Hari Church sa may Commonwealth.

“Hihintayin ko siya magawa, gusto ko talaga doon,” sagot ni Ai Ai.

Ang tantiya nila, apat na taon ang construction, kaya maghihintay pa ng apat na taon bago planuhin ang kasal.

Tamang-tama lang ang pag-iipon ng boyfriend, matatapos na ang simbahan

Puspusan ang paghingi ni Ai Ai ng donasyon para sa ipinapata­yong bahay.

“Nilalapitan ko talaga lahat na ma­yayaman.

“Sina Vic Sotto at Willie Revillame, hinihingan ko talaga,” pahayag ni Ai Ai.

Pinapasagot niya sa mga madadatung na kaibigan ang bawat poste ng pinapatayong simbahan.