
MATAPOS maluwalhating ipalabas ang first anniversary shindig ng Sunday PINASaya, hindi na nagpatumpik-tumpik pang ipinahayag ni Ai Ai de las Alas ang pakiwari niyang dahilan kaya minahal ng mga dabarkads at Kapuso ang kanilang show.
“By God’s grace siempre at siguro kasi, we are offering something new, na hindi siya ‘yung nakasanayan na pulos sayawan at kantahan,” hirit ni Ms. Ai.
“More of naging comedy siya at talagang pumatok ang skits at operettas namin. Ang gusto ng mga tao, tumawa.
“Kasi nga, times are not that easy. Hindi ba, neng? Masarap tumawa. Libre ang humalakhak. Iyun ang naibibigay namin tuwing Linggo.”
Isa upang major na dahilan kaya matagumpay ang PINASaya, “Nagmamahalan kami, eh. Mula sa mga cast, sa staff. So ‘yung pagmamahalan na ‘yun, may kasama pang respeto, tapos mahal namin ang mga ginagawa namin sa show.
“Kasi nga, mahal na mahal namin ang aming live audiences at televiewers. Ang daming love at positivity sa paligid.
“Kaya ‘yun, nagra-radiate. Hindi lang sa studio kuha, tumatagos sa TV screens at sa mga manood sa mga bahay nila.
“Contagious ‘yung pagmamahalan ng cast at staff kaya ayun, pati kayo, damay na rin.”
Ilan sa highlights ng anniversary program siempre pa ang live performance mula sa Aegis na parang walang kahirap-hirap sa pagbirit.
Ang mga boses, tanghaling tapat, kaytataas!
Aliw din na special guest star si Ogie Alcasid sa Kantaririt. Sana, maging regular ang certified Mr. Big Bird na si Alcasid dahil he has so much to offer comedy and singing-wise.

Palakpakan din para sa Adarna portion kung saan kabugan sina Ms. Ai at Marian Rivera-Dantes sa kanilang fight scene na sumasakay sila sa harness.
Laugh trip ang mga banat ng Comedy Queen sa nag-o-operate sa harness niyang tuliro at wala sa sarili kaya hindi seamless ang kanyang pag-angat at lipad.
Siempre, highlight of the day eh ang mga former presidentiables facing off with Jose Manalo as Dugong Juterte with the triumvirate of Barbie Forteza bilang Kissy, Wally Bayola bilang Boy and the Comedy Queen as her royal self.
***
Matapos ang maluwalhating Cabanatuan at Pangasinan run, Cebu bound by the middle of this month ang mga pelikulang kasali sa unang TOFARM Film Festival.
Ang Paglipay, Pauwi Na, Pitong Kabang Palay, Kakampi, Pilapil at Free Range ang unang anim na film babies ni Dr. Milagros How.
Sa Nobyembre, Davao bound ang mga pelikulang ito at sa nasabi ring buwan, deadline na para sa submission ng screenplays para sa Second TOFarm Film Festival 2017.
Sabi ni Dr. How, “I am very happy with the results of the first kaya ito, ipagpatuloy namin. Masaya ako na maraming tao ang masaya para sa TOFARM Film Festival.”
Ano bang movies ang type niya para sa ikalawang taon?
Sagot agad nito, “I cannot influence the judges pero sana may musical at kung pwede, magka-animation. ‘Yung animation, siguro matagal pa ‘yun.
“Gusto ko rin na may comedy, ‘yung magaan saka dapat mas maganda. At siempre, gusto ko, may values.
“Yun bang ang mga manonood, magkaka-sense of pride and appreciation para sa mga buhay ng farmers.
“I am impressed with the results, kaya mas inspired ako na ipagpatuloy ito. Sa screenings namin sa Cabanatuan at Pangasinan, ang daming farmers at mga cultural communities na nanood.
“Priceless para sa akin to see their faces full of smiles. ‘Yung iba, umiiyak. ‘Yung iba, tumatawa.
“Masaya sila to see na sa movies, ‘yung buhay at sacrifices nila, binibigyan halaga. Sa mga eksena, relate na relate sila.”