
FAVORITE ni Ai Ai de las Alas si Lani Misalucha at bilib siya sa galing kumanta ng Asia’s Nightingale.
Aminado si Ai Ai na sobrang natuwa siya nang maisipan ni Pops Fernandez na ipagprodyus sila ng concert together.
Alam ng comedy concert queen na taob siya kay Lani pagdating sa kantahan, kaya abangan na lang daw kung ano ang gagawin niya sa apat na production numbers nila sa Ai Meets Lani (Lani May Ai?) sa KIA Theater sa Setyembre 17.
“Siyempre naman, wala naman talaga akong panama kay Lani pagdating sa kantahan, kaya abangan na lang kung ano ang gagawin namin sa patalbugan namin sa show.
“Opening pa lang, 12 minutes na at excited kami pareho,” sabi ni Ai Ai.
Sa sobrang bilib ni Ai Ai kay Lani, ang singer ang kinuha niya na kumanta noong ikasal siya sa Las Vegas, Nevada sa ex-husband niyang si Jed Salang.
Ikaw ang kinanta roon ni Lani.
Sa susunod na magpapakasal siya, gusto pa rin ni Ai Ai na si Lani ang kumanta.
“Sa susunod, Ako naman ang ipapakanta ko kay Lani dahil noong una, Ikaw ang kinanta niya. Hahaha!
“Pero bilib talaga ako kay Lani, ang galing-galing niyang kumanta. Kaya sa susunod na magpapakasal ako, siya pa rin talaga ang kukunin kong kumanta!” sey ni Ai Ai.
Nilinaw ni Ai Ai na hindi siya magpapakasal kaagad.
Kung saka-sakali, baka five years from now pa raw siya magpakasal uli.
“Siyempre, ayoko namang magmadali!” pahayag niya.
Nagpunta sa group interview ni Ai Ai para sa Ai Meets Lani (Lani May Ai?) ang boyfriend niya na si Gerald Sibayan.
Tahimik lang umupo sa isang tabi si Gerald at hinintay ang kasintahan.
Hindi maeksena si Gerald at hindi siya ‘yung tipong isinasali ang sarili sa mga interview ni Ai Ai.
***
Tahimik lang ang isang bading na may ari ng isang car dealership tungkol sa tsikang nakarelasyon niya noong araw ang isang sikat na aktor ngayon.
Kahit tahimik si bading, ang ilang kaibigan niya ang nagpapatunay ng relasyon nila ng sikat na aktor.
That time, wala pa sa showbiz si aktor at hindi pa alam kung anong career ang gustong pasukan.
Kung may pagkaantipatiko ang image ngayon ni aktor dahil sumikat na, noong araw eh sobrang bait ito kaya nagustuhan ni bading na may-ari ng car dealership.
Hindi na namin nausisa ang mga kaibigan ni bading na may ari ng car dealership kung nabigyan ba nito ng kotse si aktor noong magkarelasyon pa sila.
No clue na dahil masyadong malalim ang relasyon ng dalawa.
SINO B I