Aiko, boto sa relasyon nina Jean at Jomari

actor-aktor

BLOOMING ang tinaguriang Queen of Independent Films, ang produ­cer na si Ms. Baby Go, sa kanyang b-day party.

Bago magsimula ang party, may press payanig muna para sa OFW drama film na Balatkayo kung saan bida ang newly minted Gawad TANGLAW best supporting actress Aiko Melendez at ang gumaganap niyang anak na napariwara, si James Robert.

‘Kaloka ang problemang hinarap ni Melendez at ni Polo Ravales na asawa niya sa pelikula.

Kasi naman, ang unico hijo nilang binigyang buhay ni James Robert, sangkot sa isang sex-vi­deo scandal.

At buong ningning na inamin ni James, “Opo, may full frontal po ako sa pelikula. At hindi po semi-erect ang aking pagkalalaki. Erect po talaga.

“Kailangan po kasi sa eksena ‘yun. Kasi nga po, sex scandal ang eksena. So, ‘yung ilang aspects of a sex scandal, tinotoo namin talaga.”

Juice colored! Nubile in his early 20’s itong si Robert at sa pelikula, 16-year old teen ager siya who did not know any better.

Because of raging hormones and lust, ayun, video for posterity ang kanyang sexual congress.

Ang tanong, mapalunok kaya tayo at mag-init sakaling masilayan natin ang tanging yaman ni James?

Aside from the sex scandal, matagal na palang sira ang pagsasama nina Aiko at Polo dahil sa pagkakaroon nila ng relasyon sa mga kapwa OFW na sina Nathalie Hart at R­ico Barrera.

Isa pang kalurks, kung ang anak-anakan ni Ravales sa pelikula ay nag-full frontal, si Polo eh hindi nagpakabog.

Manipis na white brief ang suot niya sa beach scene.

Siempre pa, hindi lang bumakat, nagparamdam at nagmayabang si Felix Bakat sa eksena.

Kuwento ni Polo, “Nung una, medyo natakot ako kasi ako lang yata ang bukod tanging lala-king naliligo sa beach na white underwear ang suot. Hahahaha!”

May budget ang Balatkayo. Nag-shoot sila sa Dubai, Abu Dhabi at Singapore.

Sabi ni Direk Neal Tan, “May mga mapa­ngahas na mga eksena pero siguradong kapupulutan ng aral.

“Lalo na para sa mga anak na may magulang na OFW at sa lahat ng mga manonood na makikita ang hirap at sakripisyo ng mga OFWS para lang masiguro na maayos ang buhay ng pamilya nila.

“Lahat ng sacrifices, separation, may consequences, may givens. At ‘yun, learning na makukuha sa mga gi­vens, mas higlighted siempre ‘yun.”

***

Ang diva that you love, nakachika si Aiko Melendez.

Tinanong namin siya agad tungkol sa special friendship ni Jean Garcia at ex-husband niyang si Jomari Yllana.

Sagot ni Aiko, “Ate Jean and I are friends. I know the real score. They’re just good friends back pa noong Kampanerang Kuba days sa ABS.

“Alam ko talaga ang totoo. Kung saka-sakali, boto naman ako kung s­ila ang magkakatulu­yan.”

Paliwanag ni Melendez, “If and when they fall in love, walang problema sa akin dahil mabuting tao si Ate Jean.

“Gusto ko rin namang mapunta ang ex-husband ko sa mabuting babae. Kasi, taken na si Jomari, but not by Jean.

“Kung lumalabas man sila, it’s a friendly date in the company of friends.”

Maligaya siempre ang award-winning actress na siya ang bida sa Baby Go-produced na Balatkayo.

“Interesting sa ‘kin ang role, k­asi, OFW siya na nagtratrabaho sa ibang bansa na ang tanging gusto lang ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak.

“Dahil sa kawalan ng panahon, mapapabayaan ko ang anak ko. Ayun, nagka- sex video scandal.

“Kaloka, ‘di ba?” chika ni Aiko.

Kuwento pa nito, “Sobrang relate ako sa role. Kasi, si Andrei ko, binata na rin. Katulad ng sinumang magulang, concerned ako sa values ng aking anak at gusto siyang protektahan sa masamang epekto ng internet at social media.

“I am thankful and grateful with the fact thay my son Andrei is God-fearing. Si Martina naman is only 10 years old.

“Iyong phone k­asi ni A­ndrei, ‘yung computer at ibang gadgets niyang may password, alam ko ang password kaya they know na may mga surprise checking ako.

“I remind them always na it is always right to be informed but they must choose the information they read wisely.”