NI: RONA RONDA
Ipinagmamalaki ni Aiko Melendez na COVID free ang kanilang bayan sa Zambales. Dahil na rin umano ito sa pakikipagtulungan ng namamahala at ng residente nila.
Suwestiyon niya, “Sana makuha naten ang ganitong kaugalian ng mga Zambaleno’s. Marunong sumunod at di katigasan ng ulo”
Proud na proud din siya sa kanyang partner na Vice Governor ng Zambales.
Sey pa niya. “Flex ko lang hindi porket partner ko ang Vice Governor niyo kaya ko to sinasabi dun tayo da totoo.”
Hindi lang umano sa Pasig makikita ang maayos at maasahan na pamamahala kundi maging sa kanilang bayan.
“Ngayon din ang Panahon na di lang sa Pasig me masipag at maasahan na namamahala kundi sa Zambales dn. Tap on the back VG Jay Khonghun kasi alam ko lahat ng hakbang na pinapagawa mo para makatulong pati na sa pamilyang Khonghun na mula sa kanilang Congressman hanggang sa Mayor at Vice Governor nananatili bukas ang kani kanilang tanggapan upang maghatid tulong,” dagdag pa niya.