Laro ngayon:
(PhilSports Arena, Pasig City)
6:00 p.m. — Pocari vs Air Force
One miss, you die.
Parehong itotodo ng Pocari Sweat at Air Force ang kanilang pato’t panabla upang bingwitin ang korona sa Shakey’s V-League Season 13 Open Conference.
Tabla ang serye sa 1-1, kaya naman kung sino ang may mas malaking puso sa pagitan ng Lady Warriors at Lady Jet Spikers mamayang alas-sais ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig City ang siyang mag-uuwi ng titulo.
Naka-puwersa ng rubber match ang Lady Warriors ng sikwatin nila ang Game 2, 17-25, 25-22, 25-14, 25-20 sa kanilang best-of-three finals.
“Nawala ‘yung character nila, hindi gaanong nag-step up ‘yung mga inaasahan namin,” sabi ni Air Force head coach Jasper Jimenez.
May anim na puntos kasama ang 11 excellent digs ang binira ni Judy Ann Caballejo sa Game 2 pero kulang pa rin para makuha ng Air Force ang kauna-unahang titulo sa nasabing event.
“Nandoon ‘yung depensa niya pero kulang ang opensa, malaking bagay kung nag-step up siya sa offense.” patungkol ni Jimenez kay Caballejo.
Sa panig ng Lady Warriors, ang pagiging composure nila sa laro ang wala sa Game 1 ayon kay interim coach Rommel Abella.
“We showed composure, which was lacking in our previous game,” ani Abella.
Kahit naungusan sa set 1, naging kalmado ang Lady Warriors kaya naman naikadena nila ang huling tatlong sets.
Malamya ang opensa ni Myla Pablo ng matalo ang Pocari, 25-17, 20-25, 25-15, 24-26, 11-15, sa Game One kaya bumawi ito at nagtala ng 19 hits para ihirit ng Game 3 ang Lady Warriors.
“I just want to forget what happened in that game (Game One) and focused on this one (Game One),” wika ni power-spiking Pablo.
Samantala, kahit gaano kaganda ang statistics ng dalawang naglalaban na koponan ay hindi na ito magiging bentahe kapag umabot sa do-or-die game.
Kung sino ang pursigido, ang siyang mananaig sa laban.