Airstrike tatapusin na — AFP

Hanggang ngayong linggo na lamang ang ­isasagawang airstrike ng tropa ng gobyerno laban sa mga teroristang grupo sa Marawi City.

Ito ang paglilinaw ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla sa Mindanao Hour press briefing sa Malacañang kahapon.

Sinabi ni Padilla na sinisikap ng Board of Inquiry ng AFP na matapos na ang airstrike ngayong linggo.

“Nanggaling na po dun ‘yung mga miyembro ng Board of Inquiry. At sumingit po sila ‘samantala sa pag-imbestiga dahil napuntahan po nila ‘yung mga na wounded doon sa insidente na ‘yun. At ang aking nakuha pong impormasyon po diyan ay nakausap na po nila, na-interview na nila, nakuha na nila ‘yung mga panig ng mga indibidwal na ito,” pahayag pa ni Padilla.

Idinagdag ng AFP spokesman na sinimulan na rin nila ang pag-i-inquire sa ibang major services katulad ng sa Air Force at sa iba pang kasama na mga units sa friendly fire.

“We’re also working on pulling out certain members of the units that were involved in that and have them brought to the rear, so that they can be interviewed and their views taken,” giit pa ni Padilla.