NAKATSIKAHAN namin sa radio program na­ming Showbiz Talk Ganern sa DZRH ang mag-asa­wang NYC Chairman Aiza Seguerra at FDCP Chairman Liza Diño.

Pabalik na sila mula Batanes para sa travel show na collaboration ng NCCA at FDCP kasama rin ang NYC ni Aiza.

Manghang-mangha sila sa ganda ng Batanes na kung puwede lang ay magtatagal pa sila roon hanggang Semana Santa.

Pero may tradisyon na pala si Aiza na pumupunta ng Villa Escudero tuwing Semana Santa.

Matagal na niya itong ginagawa kasama si Mommy Caring at si Liza siyempre.

Walang paltos itong ginagawa ni Aiza dahil mula noong 7 years old siya nang nag-shoot siya ng pelikulang Aswang sa Villa Escudero.

Doon niya naka-close ang pamilya Escudero at sinasama siya sa activities doon sa kapag H­oly Week.

Ang partisipasyon noon ni Aiza ay ginagawa siyang anghel sa Salubong para sa Easter Sunday.

“Siya ‘yung anghel na isinasabit tapos binababa sa Salubong,” napapa­ngiting kuwento ni Liza.

Mga apat na taon lang niya itong nagawa dahil malaki na siya at mabigat na siya para isabit sa kawayan.

“Dati, ginagawa ko ‘yun. Nahulugan ko ng tsinelas ‘yung Birhen kaya pinatigil na ako.

“Nu’ng sinabit kasi ako nu’n, nahulog ko ‘yung tsinelas? Saan ‘yung tsinelas? Ayun nahulog sa Birhen,” kuwento ni Aiza.

Every year ay dumadalo siya kahit hindi na siya nag-anghel. Pinapakanta na siya.

Ngayon ay hindi na rin, basta pumupunta lang siya dahil nakagawian na niya itong ginagawa for almost 23 years.

“Ngayon, I don’t sing anymore, but I still go there.

“Kasi, parang na­kagawian na talaga, eh.

“Parang pamilya na talaga ‘yung mga Escudero. So, parang panata na rin na every Holy Week, ganu’n pa rin kahit hindi na ako nag-participate.

“It’s more of naging part of the family. Kasama sina Mama,” dagdag na kuwento ni Aiza.