Aiza, inalok na naman ng gov’t position

aiza-seguerra
aiza-seguerra
           AIZA SEGUERRA

BALITANG tinanggihan ni Aiza Seguerra ang mga alok sa kanyang go­vernment positions na kunektado sa arts and culture.

Pero may bago raw na iniaalok sa kanya  ang pagi­ging commissioner ng National Youth Commission na kinabilangan ni Dingdong Dantes dati bago ito nag-resign para ma­ngampanya kay VP Leni Robredo.

With or without a government post, ang maganda ay tumutulong si Aiza sa ating gobyerno nang walang kapalit.

***

Kalmadong palaban ang asta ni Sunshine Dizon bilang scorned wife sa korteserye nila ng asawa niya with matching soap opera dialogue ng kamay na madudumihan atbp.

Pero nu’ng mag-shift na sa Ingles, sablay na sa grammar si Sunshine saying, “Homewreckers like her doesn’t ….”

OUCH! Again again again, Shine.

***

Nag-tape na ng pilot episode ang bagong ta­lent show ng GMA na adaptation nila ng Your Face Sounds Familiar with a twist.

Superstar Duets ang title at ang ka-duet ng mga komed­yante ay impersonators with Jennylyn Mercado as host.

Sana, mag-rate!