MAY PA-ABS si AJ Muhlach kahapon sa pocket presscon ng launching action flick niya na Double Barrel (Sige! Iputok Mo!).

Kinantiyawan ng press si AJ na ipakita ang ipinagmamalaki niyang abs at proud siyang idinispley ‘yon.

Ang leading lady niyang si Phoebe Walker ay may pa-one piece swimsuit sa ilalim ng denim jeans nito.

Sa sexy ngayon ng 25-anyos na Viva actor ay parang mahirap maniwala na nu’ng 13-anyos siya ay uma­bot siya ng 250 lbs.

Nu’ng 16-anyos siya at maging parte siya ng boy group na XLR8 ay mataba pa rin si AJ, hanggang sa nagbinata na siya’t unti-unti nang pumayat.

Nasa 111 lbs. lahat ang nawala sa kanya, kaya maintenance na lang siya ngayon at hindi na diet dahil medyo nag-underweight siya.

Para sa height ni AJ na 5’9”, ang ideal weight ay 145 lbs., eh ngayon ay 139 lbs. lang siya.

Diet, workout, dan­cing at todo disiplina ang ginawa ni AJ para magkaroon ng yummy body, na makikita sa pelikulang Double Barrel.

Sabi niya ay hindi siya masyadong pumped nga­yon, pero nang maghubad siya ng shirt ay wapak pa rin ang kanyang abs.

May lahing German, Spanish at Japanese ang binatang half brother ni Aga Muhlach.

Alam niya bang may sabi-sabi na kapag mataba, kadalasan ay maliit ang kargada?

“‘Pag mataba? Mahaba ‘yung sa akin, hindi mataba, eh,” ang buong ningning na sagot ni AJ na ikinatuwa ng mga katsika niyang press.

Medyo namali siya ng dinig sa tanong. So, inulit namin na ‘pag mataba ang katawan, maliit daw ang NOTA.

“Hindi, hindi naman. Kaya naman ‘tong sa akin. May panlaban naman,” nakangiting pakli niya.

Ah, so mas habain ‘yung sa kanya kesa tabain?

“Mas ganu’n (mahaba) siya, hindi siya ga-Ma-Ling (luncheon meat na de lata).

Tama lang, proportioned lang sa akin. Ha! Ha! Ha!” tawa ng bagong action star na si AJ Muhlach.

Sa August 9 na at hindi na August 2 ang showing sa mga sinehan ng Double Barrel na dinirek ni Toto Natividad.

One Response