Hindi lang kontrobersiya sa doping sa atleta ang kinakaharap na may 20 nang pangulo ng International Weightlifting Federation (UWF) na si Tamás Aján ng Hungary kundi pati na rin ang akusasyon sa pagiging korap.
Nahaharap sa expulsion sa botohan ng IWF Board members, sentro ng akusasyon ang 81-anyos na opisyal dahil sa mga kaduda-dudang paglilipat ng pondo ng pederasyon na isiniwalat ni secretary general Mohamed Kalood ng Iraq.
Iniiembestigahan din ng IWF Executive Board ang pinakamatagal na naging presidente ng IWF, na kinapitan ang pinakamataaas na puwesto sa lifting governing body sapul noong 2000 base sa sulat na palihim na ibinigay ng isang board member sa German TV station ARD.
Ang sulat ay nagmula kay IWF acting prexy Ursula Papandrea ng Estados Unidos, na nagsabi kay Aján na hindi na siya nararapat mamuno sa IWF o kahit board member.
Isa sa pangunahing alegasyon sa dokumentaryo ang malpractice sa anti-doping procedures at ang milyones na mga nawawalang pondong $5.5M na nilipat ni Ajan sa isang Swiss account na kontrolado niya.
Agad itong pinabulaan ni Aján at sinabi na ang ‘Secret Doping – The Lord of the Lifters’na dokumentaryo ay sinira ang kanyang buhay at may 50 taon sa sport
“You, President Aján, have not stepped into the background of operations. “On the contrary, every day I was in Budapest for the last visit, you were in the office conducting business as usual with both the Secretariat and, in this case, auditors,” pagsisiwalat ni Papandrea bukod sa inilahad na mga hinaing.
“I have not yet been placed in IWF financial institutions to be able to even partake in financial decisions or have knowledge of them. You in fact asked the general secretary to transfer money from Swiss account to Budapest without my knowledge,” ayon pa sa Kana.
Nagbitiw naman si Aján bilang honorary member ng International Olympic Committee (IOC) matapos maipalabas ang corruption allegations at sinabing ginawa niya pata mailigtas ang IOC sa negatibo at alanganing kalagayan.
Pinipilit ni Aján na siya pa rin ang IWF president habang si Richard McLaren ang mangunguna sa imbestigasyon sa mga alegasyo sa kanya. (Lito Oredo)