Ajan nagbitiw sa IWF, Papandrea pumalit

Tuluyang nagbitiw si International Weightlifting Federation (IWF) president Tamas Ajan habang isinasagawa ang imbestigasyon ng korapsiyon sa kanya sa pederasyont tapos nang may 44-taong pagkakasangkot sa organisasyon kasama ang may 20 taong pamumuno.

Inihayag ng Hungarian ang hakbang niya makaraang pagsilbihan ang IWW simula pa noong 1976. Unang naging IWF general secretary sa loob ng 24 taon si Ajan bago naging pangulo noong 2000.

Humalili sa 81-anyos na si Ajan si para magmando sa world sport governing body si acting prexy Ursula Papandrea ng Estados Unidos.

Inakusahan ng corruption sa isang German television documentary na ipinalabas nito lang Enero si Ajan, na ilang beses nang pinabulaan ang alegasyon sa financial malpractices nang may 10 taon at anti-doping procedures sa IWF.

“The IWF Executive Board notes that an independent investigation by Professor Richard McLaren is currently ongoing, examining allegations made by ARD (the German TV station) and related issues,” ayon sa IWF statement.

“The IWF thanks Tamás Aján for more than four decades of service to weightlifting, and most notably for his work in recent years to ensure an anti-doping programme which meets the standards of the International Olympic Committee (IOC) and World Anti-Doping Agency (WADA) is in place,” ani Papandrea. “We can now begin the work of determining a fresh path towards achieving the full potential of our sport.”

Ikinairita naman ng maraming miyembro ng Executive Board sa teleconference meeting nitong Huwebes ang pagnanais ni Ajan na kumapit pa sa puwesto. Nakatakdang magdesisyon pa ang majority sa Board na pabor sa pagpapatalsik kay Aján, pero inunahan na sila nito nang bumaba sa puwesto. (Lito Oredo)