Akhuetie, De Liano pinalag pa ang UP sa Final Four

Standings W L
AdU 7 2
Ateneo 7 2
FEU 5 4
DLSU 5 4
UST 4 5
UP 4 5
NU 3 6
UE 1 8

Mga laro sa Miyerkoles:

(Araneta Coliseum)
2:00 p.m. –
Ateneo vs UE
4:00 p.m. – UP vs FEU

Maliwanag pa ang daan ng University of the Philippines sa asam nilang makasampa sa Final Four ng 81st UAAP basketball tournament matapos silang akbayan ni Bright Akhuetie sa 94-81 panalo kontra University of the East kahapon sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Nagtala si Nigerian center Akhuetie ng 28 points at 13 rebounds para ilista ang 4-5 karta ng Fighting Maroons at sumalo sa University of Santo Tomas sa fifth place ng team standings.

Nakakapit ang Red Warriors sa unang tatlong periods kung saan tatlong puntos lang ang kanilang hinahabol, 60-63 papasok ng fourth period.

Subalit unti-unting uminit ang opensa ni Akhuetie at nakipagtulungan kina Paul Desi­derio at Juan Gomez de Liano upang kumalas ang Fighting Maroons sa payoff period.

Tumikada si Desi­derio ng 16 markers habang kumana si GDL ng triple-double na 15 pts., at tig-12 rebounds at assists para sa UP.

Nagpakitang gilas din para sa Katipunan-based squad si Diego Dario matapos irehistro ang 13 markers.
“I’d like to commend Diego and Bright for stepping up. They played to their potential,” ani coach Bo Perasol.

Mga iskor:

UP 94 – Akhuetie 28, Desiderio 16, Gomez de Liano 15, Dario 13, Manzo 6, Vito 5, Jaboneta 3, Lim 3, Prado 3, Murrell 2, Longa 0, Tungcab 0, Gozum 0

UE 81 – Pasaol 30, Manalang 15, Conner 12, Varilla 10, Beltran 4, Cullar 3, Antiporda 3, Strait 2, Bartolome 2, Acuno 0, Guion 0

Quarterscores: 19-20, 41-44, 63-60, 94-81