Nagkaayos na sina Nigerian Bright Akhuetie at Perpetual Help consultant Nosa Omorogbe sa kanilang hindi pagkakaunawaan.
Matapos ang one-game suspension na ipinataw ng Perpetual management, makakalaro na si Akhuetie kontra San Beda sa semifinals ng 92nd NCAA tournament bukas sa Mall of Asia Arena.
“Everything is okay now, he will play,” ani Omorogbe kay Akhuetie.
Nagkaroon ng pagtatalo sina Omorogbe, isa ring Nigerian, former player at kasama sa coaching staff ng Las Piñas-based school, at Akhuetie sa practice nila na nagresulta ng pagkasuspendi ng huli.
Hindi nakalaro si Akhuetie nang matalo ang Perpetual sa Mapua 63-67 noong Biyernes kaya lumagpak sa No. 4 ang Altas at No 3 ang Cardinals sa Final Four.
Malaking bagay si Akhuetie sa Perpetual Help, may average siyang 18.4 points (third best sa league), 12.3 rebounds (fourth) at 1.7 blocks (fifth).