tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Dahil uso ngayon ang isang imported candy na ginawang ice cream na ayon sa malalapit kong mga kaibigan ay parang ang kinalakihan nating pinipig crunch pero mas mahal at mas matamis nga lamang, aliw na aliw ako sa turing ni Akihiro Blanco na ang laplapang naganap sa kanila ni Martin del Rosario ay puwedeng ihalintulad sa nasabing candy.

In character lagi si Blanco sa tuwing magdidikit ang kanilang mga labi ni Barbs na kung kanyang ilalarawan ay “sweet na sweet” at go with the flow rin ang binatang chinito, “Pag gumagalaw si Martin, gagalaw rin ako. Gusto ko lagi, in character ako para walang ilangan. Pag itinutuloy niya, itinutuloy ko rin, kung ano ang kissing na gusto naming gawin, ginagawa namin.”

How professional can you get, hindi ba naman? Ang diva that you love, wala na ring pagtataka just so in case hindi nila mapigilang mag-eskrimahan ang kanilang mga dila dahil ginagawa nila ang laplapan na ang mga maiigting na damdamin ay naayon sa kanilang mga katauhan.

Maganda ang feedback sa trailer para sa “Born Beautiful” at super sold out na ang mga ticket para sa uncensored version screening na gaganapin sa UP’s Cine Adarna.

Para sa karera nina Martin at Aki pati na rin kay Kiko Matos, super big push ang Perci Intalan directed movie sa kanilang mga karera. Ganda-gandahan naman talaga si Del Rosario bilang Barbs.

Ang nakakatuwa sa career move na ito ni Martin, ipinakita niya sa lahat na super secure siya sa kanyang pagiging lalaki at pagkalalaki. Belat na lang sa lahat na tiyak ay inggit na inggit sa kanyang pagganap sa makulay na katauhan. A lead role is a lead role, huh!

Para sa dalawang barako, after this, hindi na puwedeng isnabin ang katotohanang pang-leading man na talaga silang dalawa.

Matagal na ring hinintay ni Blanco ang ganitong opportunity kaya ganu’n na lang ang sipag, tiyaga at pagmamahal na ibinibigay niya sa pelikula. Ganun din siyempre, sina Martin at Kiko.

Ang gusto kong malaman, how true na itong si Akihiro Blanco, bago pa ipalabas ang “Born Beautiful,” may pasabog nga bang sexy pictorial na ilalabas?

And how true ulit na woke up like this ang concept, bagong gising ang emote at birthday suit nga lang ba ang drama? May mga unan bang strategically placed? Kumot na cotton lang nga ba ang maaaring gawing pantabing? May babalatay bang pambihirang palo-palo sa kumot? O dahil nga au naturelle ang emote ni Blanco sa photoshoot at supposedly bagong gising siya, may mga ugat kayang nagtitigasan na sadya o hindi sinasadyang ibalandra?

Kung may ganito ngang paandar si Akihiro Blanco, juice colored! Si­guradao ako ang buong sangkabekihan, mamahalin na siya, agad-agad!

Joshua Millennial Pubic Hair King

Pangarap ba ni Joshua Colet na siya ang humalili sa iniwang trono ni da­ting bold stud Anton Bernardo? Siya na nga ba ang karapat-dapat na tangha­ling bagong Millennial Pubic Hair King?

Bakit kaniyo? Sa isang pink portal kasi, may hubad barong larawan si Colet, na isa sa mga papable mula sa “Los Bastardos” na ang katauhang ginagampanan na si Connor, mala-kontrabida ang dating at talaga namang kaguluhan ang dinadala sa buhay ng mga lalaking Cardinal.

Sa true lang, Colet is not traditionally good looking. Hindi siya kasing wholesome at pang-matinee idol like his dad Noel used to be. Mas pang character actor ang kayang mukha.

Ano ba kahindik-hindik sa larawan ni Joshua? Hindi na bago ang larawan pero grabe pa rin ang wapak, huh! Maliban kasi sa katawang pangromansa, kitang-kita rin ang kanyang love trail (karug in Filipino kalye slang) at yes oh yes, talagang ipinasilip niya ang malago niyang pubic bush.

Siyempre pa, para sa may mga fetish sa mga malalaking bushy kung bushy ang pubic hair, na-shookt sila at nag-init sa larawan.

Sa true love, major turn on sa karamihan ang lalaking au naturelle ang buhok sa kanilang reproductive area kesa sa mga la­laking trimmed at gustong malinis tignan ito.

Naku ha, tigilan ako na mas hygienic pag trimmed ang pubic hair ng mga lalaki. Mauunawaan ko pa na ang mga babae, bet ang trimming at minsan pa nga magpa-Brazilian pa. Pero pag hombre na at claim nila they are just being metro sexual, sige nga, isang metro na lang, homosexual ka na, hahahaha!

Joshua Colet, sa susunod, sana ‘wag lang pasi­lip ha. Ibu­yangyang na ang dapat ibuyangyang. Hahahaha!