NANG magpa-thank you si Gary Valenciano sa ilang kaibigang movie press sa Polari Bar kamakalawa nang gabi, ang saya-saya ng mini-concert niya.

Bago hinataw ni Gary V ang medley of hit songs niya, nagpakitang-gilas ang ilang kasamahan niya sa huling season ng Gary V Presents na sina Carla Guevara-Laforteza, Katrina Valerde, Allan Sillonga, Tim Pavino, RJ de la Fuente, Lara Maigue at Janice Javier.

Huling salvo ng pagtatapos ng season ng Gary V Presents sa The Theater ng Solaire sa Mayo 12, 13, 19 at 20.

Sabi ni Gary, aba­ngan na lang ang isa pang mala­king project niya online na akmang-akma sa millennials.