Akmang mag-CDM

ramil-cruz-turning-point

Ramil D. Cruz

Nagkakagulo sa kasalukuyan sa bakuran ng Philippine Olympic Committee.
Incumbent POC pre­sident Victorico Vargas versus 2005-2018 POC prexy Jose Cojuangco, Jr. at ilan nitong kapanalig.

Sa kasagsagan ng gusot, ini-appoint ni Vargas si Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez bilang chef-de-mission ng Team Pilipinas para sa itataguyod ng bansa sa ikaapat na pagkakataon na 30th Southeast Asian Games 2019 sa darating na Nov. 30-Dec. 11.

Si Ramirez ang papalit kay outgoing Makati Cong. Manuel Monsour del Rosario III ng taekwondo na pinatalsik dahil sa kaalyado ni Cojuangco.

Nasipa rin si POC board members Jose Romasanta bilang CDM ng 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan, at nirelyebuhan ito ni POC chair at PhilCycling pres. Cavite Rep. Abraham Tolentino.

Gayundin si Robert Bachmann bilang tagapangulo naman ng POC Membership Committee at iba pa.

Mabalik tayo sa CDM sa SEA Games, sumagot din agad si Ramirez pagkatawag nitong Lunes sa kanya ni Tolentino para sa appointment.

Ayaw niya munang humindi o umoo dahil sa wala pang pormal para sa bagay. At isa pa nagkakagulo nga sa POC.

Na tama naman.
Pero sana sa sandaling humupa na ang gusot sa POC, ipormalisa ang pagnombra kay Ramirez.

At sana rin ay tanggapin ng national government sports agency chied ang alok ng POC.

Di naman na kasi bago sa puwestong ito si Chairman Butch (Ramirez).
Magugunitang siya rin ang CDM nang makopo ng bansa ang unang overall championship noong 2005 sa ‘Pinas din sapul nang bumahagi ang bansa sa biennial meet noong 1977.

***
Belated happy birthday kina road race organizer Rodolfo ‘Rudy’ Biscocho at runner Mitch Manila na mga nagdiwang ng kanilang ika-80 at ika-31 kaarawan nitong May 27. Gayundin kay Arnold Badurio na nag-51 naman.