Ako Bicol aapela sa provincial bus ban

Diborsyo sa Muslim wife, balido – SC

Maghahain ng motion for reconsideration ang Ako Bicol Party-list sa desisyon ng Supreme Court (SC) na binasura ang kanilang petisyon kontra sa provincial bus ban sa EDSA.

Ayon kay Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Gar­bin Jr., vice chairman ng House Committee on Justice, saklaw ng SC ang kanilang petisyon kontra sa provincial bus ban.

“We submit that the instant controversy qualifies as a case of first impression warranting direct resort to the honorable Supreme Court,” ani Garbin.

Kabilang ang grupo ni Garbin sa mga naghain ng petisyon sa SC na humihiling na ipawalang-bisa ang provincial bus ban ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Pero binasura ito ng SC dahil labag umano sa doktrina ng ‘hierarchy of courts’. Sabi ng SC, batay sa jurisprudence, ang direktang pagsasampa ng kaso sa kataas-taasang hukuman sa pamamagitan ng certiorari petition ay maaari lamang gawin kung mayroong ‘strictly legal questions’.

Ang mga factual question, ayon sa SC, hinggil sa nabanggit na petisyon ay kinakailangan ng mga ebidensiya na dapat dinggin ng Court of Appeals o ng mababang hukuman.

Gayunman, iginiit ni Garbin na ang kanilang ipinupunto ay isang ‘genuine issue of constitutio­nality’ kung nagkaroon ba ng grave abuse of discretion ang MMDA.

Isa pang isyu aniya, kung ang inilabas na regulas­yon ng MMDA hinggil sa provincial bus ban ay luma­bag sa due process na nakasaad sa Saligang Batas. Giit pa ni Garbin na kinukuwestiyon din nila kung pinanghimasukan ng MMDA sa pag-iisyu nito ng regulasyon ang mandato ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

“We respectfully submit that the issues of constitutionality raised in the petition as well as the urgency of the need of addressing the same would qualify as exceptionally compelling reasons which would justify direct resort to the Honorable Supreme Court,” ani Garbin. (JC Cahinhinan)