‘Ako magdidikta sa buhay ko!’ — Durant

“Ain’t nobody can recruit me no more.”

‘Yan ang matigas na mensahe ni Kevin Durant sa mga koponan na gusto siyang kunin mula sa free agency.

Sinabi ito ni Durant kay Chris Haynes sa Posted Up podcast ng Yahoo! Sports.

Ayon pa kay Durant, may mga bagay pa siyang hinahanap sa susunod na koponan na kanyang sasalihan bukod sa magandang packaging.

“I want to dictate the environment that I want to be in,” aniya. “You can’t give me the bells and whistles. I would rather see what you do on a day-to-day basis.”

Matatapos na ang kanyang dalawang taong $61.5 million na kontrata sa Golden State Warriors at magiging isa nang free agent pagkatapos ng 2018-2019.

Ayon sa ulat na inilabas ni Frank Isola ng The Athletic ngayong linggo na interisado ang New York Knicks na kunin si Durant para ibigay ang serbisyo nito. (Fergus Josue, Jr.)