Aksyon Lady Center bukas na!

aksyon-kaye-box Kaye Dacer

Kung may pasabog ako bago matapos ang 2016 dahil sa ginawa kong pamamaalam sa halos dekada kong tahanan, ang DZMM, ay may pasa­bog din naman ako nga­yong 2017.

Ito ay ang opisyal na pagbubukas ng Aksyon Lady Center. Ang center ay bukas mula alas-10:00 ng umaga­ hanggang alas-singko ng hapon at handang magkaloob ng serbisyo sa ating mga kababayan. Maaaring tumawag sa tel. no. 412-30-30

Matatagpuan ang Aksyon Lady Center sa Unit 205 Seneca Plaza Building, E. Rodriguez Sr., Avenue, New Manila, Quezon City.

***

Ang mensahe kong ito ay nauna ko nang naipaskel sa aking Facebook­ account (Kaye Dacer) noong Disyembre 30, 2016 matapos ang opisyal na pamamaalam sa aming programa ng partner kong si Julius Babao.

***

Sa halos dalawang dekada ng aking pamamahayag sa pinakama­laking Broadcasting Network ng ating bansa, ABS-CBN DZMM lubos­ akong nagpapasa­lamat sa pamunuan nito sa pagmamahal, pagtitiwala na binigay n’yo sa isang pinakaimportanteng res­ponsibilidad ng DZMM, ang Public Service, kung saan ang puso ng buong network ay nakamarka.

Muli n’yong pinaramdam ang pagmamahal na ‘yun noong Dec. 2 when I signed off in DZMM because of a bigger responsibility in Public Service I need to handle this coming year 2017 and today for the last time I had to go on air again to sign off “Aksyon Ngayon” after 25 years in Public Service.

Sa lahat ng aking nakasama sa programang Aksyon Ngayon mula sa aking pagso-solo after Ted Failon and Korina Sanchez hanggang sa pagkakaroon ng mga ka-tandem.

Mula kina Mayor­ Fred Lim, Ambassador Roy Señeres at marami­ pang iba hanggang sa pagwawakas ng yugto ng Aksyon Ngayon­ na kasama ang isa sa pinagkakatiwalaan at mabu­ting mamamahayag­ at kaibigan­ na si Julius­ ­Babao, sa mga naging kaagapay namin mula­ noon hanggang ngayon­ na sina­ Neil Badion, Charlie ­Nabartey, JR Antonio, Nanette Quong, Au Zialcita at marami pang iba sa DZMM production, Zaldy Naguit, Paul Bea, Jowie Rebate at sa lahat ng mga nag-volunteer sa amin, sa lahat ng aking mga naging kaibigang anchors, reporters, staffs at naging mentors sa DZMM.

Lahat po ng nagmahal sa amin, nagtiwala at naglaan ng kanilang oras para araw-araw kaming mapakinggan sa radyo at mapanood sa telebisyon, sa aming mga donors, sponsors na walang sawang­ nagbigay ng kanilang mga ayuda maraming-maraming ­salamat, Kapamilya!

Sa lahat ng mga bumati, nagpahayag ng kanilang komento sa text messages, private messages at maging sa Facebook. Hindi ko man masagot isa-isa ang inyong mensahe.

Taos puso po ang aking pasasa­lamat sa paglalaan n’yo ng oras na mag-like at mag-comment sa bawat post ko. I sincerely thank everyone for the love and support.

Your messages are so heartwarming and inspiring. Happy New Year at maraming-maraming sala­mat sa inyong lahat.