Aktor, atat na atat magdirek

ACTOR, mas gustong makilala bilang magaling na direktor. Naku, huh?!
Unahin muna niya ang maging best actor!!!

Pamilyado na si kuya. In fairness and in fairview, happy family sila.

Bagets pa lang si kuya nang mag-artista. May kamag-anak siyang nag-aartista rin.
Dahil pogi at malakas ang dating, nagka-movie agad siya. Sunud-sunod.

Kadalasan, comedy na may kantahan at sayawan.

May naging ka-loveteam siya pero hindi sila nag-click. Nag-try siya ng drama pero hindi siya makaiyak.

Try naman ng action na my suntukan, tadyakan at barilan. Ang siste, wala siyang tinamaan.
‘Yan ba ang gustong maging director?

Kapag nasa taping o shooting, binabarkada niya sina direk, assistant ni direk, cameraman, writers pati clappers para matuto siya.

Kinakarir niya ito hanggang pag-uwi sa bahay. Buy pa siya ng books about directing.

Hanggang one day isang araw, tinawag siya ni direk para siya muna ang mag-floor director.

Halos tumalon ng building si kuya sa sobrang saya. Gustung-gusto niya ‘yung iniuutos ni direk na bina-blocking ang mga artista lalo na pag sisigaw ng CUT!!!

Natuto siya at nauto niya ang isang mataas ang position sa television na mag-directed by siya.

Pumayag si ma’am na magdirek siya ng isang very, very light na sitcom.
Dumating siya nang napakaaga sa set. Nauna pa siya sa crew.

Before mag-start ang taping, pray-pray muna si actor/director. May assistant na may dalang script. May pamunas pa sa balikat si direk.

Start na….
PorTUGAL ang blocking. TAGALog Ilang-ilang Productions.

“ACTION!” sigaw ni direk.
“CUT!” sigaw #2.

Puro ganu’n na lang na inabot na ng madaling-araw, wala pa silang mabuo.

Binubusisi niya ang bawat eksena kaya matagal pati ang pag-ilaw. Ang camera shots, dapat perfect.

Pati galaw ng mga ekstra… lalo na ang acting ng mga artista, pasado dapat sa kanyang pihikang panlasa.

Kaya lang, kalahating araw niya ‘yun ginagawa.
Next taping… ganu’n pa rin. At may kasama nang mura (P.I.!), gigil at galit.

Hindi na nakatiis si executive producer, isinumbong niya si director kuning-kuning sa nakatataas.

Humahangos si ma’am at kinausap si kuya. Sinabi ni ma’am kay kuya na kailangang tapusin na ‘yung ipapalabas kinabukasan.

Kung hindi, papalitan si kuya ng totoong director.
Natapos naman at noong pinalabas na, ang daming negative comment — hindi sa nga artista kundi kay director na hindi pa man, yumabang na.

The next taping, pinalitan na siya bilang director.

Considerate naman si ma’am, isinama na lang si kuya na isa sa cast ng sitcom na hindi man lang nakaisang season.

Pero si kuya, hindi pa rin sumuko. Nag-aral ito ng directing sa isang sikat na school.

Sa ngayon, may serye pa rin siya at nagbantang hindi titigil sa pag-aaral para maging best director someday!