Sinuwerteng nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang aktor na sinasabing nasa drug watchlist matapos na bistayin ng bala ng riding-in-tandem pero minalas namang masawi ang kaibigan nito sa nangyaring pamamaril kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Kinilala ang nabaril na aktor na inoobserbahan sa Rizal Medical Center na si John Wayne Sace, 27-anyos habang ang napatay nitong kaibigan ay kinilalang si Erik ‘Erick Mata’Sabino; kapwa residente ng Feliciano St., Brgy. Sagad, Pasig City.
Napag-alaman kay Senior Superintendent Orlando Yebra Jr., Police chief ng Pasig City na alas-11:10 kamakalawa ng gabi nang bistayin ng bala ang dalawa ng riding-in-tandem habang nakatayo sa kanto ng Dr. Sixto Antonio Avenue at Col. Licsi Street sa Brgy. Caniogan.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo habang isinugod sa nabanggit na pagamutan ang dalawang biktima ng mga rumespondeng mga kagawad ng Pasig Police Community Precinct 4.
Sa imbestigasyon nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Sabino na ideklarang dead-on-arrival.
Si Sace naman ay nasapul sa bewang pero ayon sa Facebook post ng kapatid nitong si Queen Sace ay ligtas na ang aktor.
“My brother is out of danger. In behalf of our family, we thank all those who prayed for his safety.Opposite from what was in the news or in the social media, my brod had undergone series of tests and now in a stable vitality,”ayon sa post ni Queen.
Kinumpirma naman ni Yebra sa pamamagitan ng isang police report na sina Sace at Sabino ay kabilang sa drug watch list sa kanilang barangay at hinihinalang drug users at pushers at dati nang sumuko sa ilalim ng Oplan Tokhang.
Dating miyembro ng dance group na Anime si Sace at lumabas sa mga mga pelikulang “Dekada 70,” “Kutob,” “Don’t Give Up On Us,” at “Matakot Ka sa Karma”.
haha mtagal n atang ngaadik to tol.. prang kabute to eh lulubog lilitaw
panalo daw eh good
haha.. taenang yan,, ratrat daw tol eh haha
literal na naratrat sila ngayun
hahaha niratrat kaka ratrat..
android din eh B.a. Weedsoulja Manalo
Sayang.