NAKAKA-TENSE ‘yung nasagap naming tsika na nagbigay ng ultimatum ang isang mataas na tao sa isang aktor kaugnay ng anak nitong artista rin na sangkot sa ilegal na droga.
Natuklasan ng kampo nu’ng mataas na tao na gumagamit ng bawal na gamot ang nag-aartistang anak ng aktor.
Ang banta ng mataas na tao, dapat ay ipa-rehab ng aktor o ipadala nito sa ibang bansa ang anak nitong artista rin dahil kung hindi ay ang mataas na tao mismo ang titira sa anak ng aktor.
AFRAID!
May ganu’ng threat, kaya nangarag at nabahala ang aktor.
Ura-urada ay sumailalim sa drug testing ang nagsu-showbiz din na anak ng aktor.
Kailangan nitong mapatunayan na negatibo ito sa ilegal na droga dahil kung hindi ay isang malaking LAGOT!
Malamang na kinabahan din nang husto ang anak ng aktor dahil sakaling mapatunayang gumagamit ito ay baka hindi ito maipagtanggol at maprotektahan ng ama mula sa mataas na tao na nagbigay ng hayagang babala rito.
Sa panahon ngayon na matindi ang crackdown ng gobyerno sa droga at ang dami ng nahuhuling drug users, drug pushers, drug peddlers, atbp., dapat makipagtulungan ang mga taga-showbiz sa tamang awtoridad para malinis nila ang kanilang mga pangalan at reputasyon.
Tiyak na ayaw magpa-deport sa ibang bansa ng anak ng aktor, kaya dapat ay behaved na ito at tigilan na ang mapanirang bisyo.
‘Yung mga iba pang celebs na kilala ring gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay dapat magtino na at talikuran na ang droga dahil ‘pag nagkaipitan ay hindi sila sasantuhin ng mataas na tao!