PARANG nai-imagine na namin kung gaano kara­ming yelo ang nauubos ng isang kilalang aktor ngayong kasagsagan ng summer at napakainit ng panahon.

Nope, hindi ginagamit ng kilalang aktor ang yelo para sa kanyang ice cold drinks na pantanggal ng uhaw sa nakakalokang init ng tag-araw.

Ang main purpose ng yelo para sa kila­lang aktor ay panlagay sa kanyang mukha dahil masyado siyang conscious sa kanyang fezlak!

Yes, hindi nawawalan ng supply ng ice ang kilalang aktor sa taping dahil ugali niyang lagyan ng yelo ang mukha niya para lagi siyang fresh-looking at sarado ang pores.
Ganu’n kabanidoso ang kilalang aktor.04-22-2016-aktor

Kabog ang female co-stars niya dahil siya itong mas maalaga at metikuloso pagdating sa kanyang itsura.

Vanity Fair!

Ice kete ice ang kilalang aktor habang nasa set.

In between takes ay parang hindi siya mapakali hangga’t hindi nadadampian o natatapalan ng yelo ang pagmumukha niya.

At dahil OA ang init ng panahon ngayon, feeling namin ay mas madalas lagyan ng yelo ng kilalang aktor ang kanyang fez para makasigurong hindi siya hulasey at lagi siyang fresh-fresh-an everytime haharap siya sa kamera.

Ang nakakalerky ay inaabot nang siyam-siyam ang kilalang aktor pagdating sa kanyang mukha.

Kadalasan ay ready nang kunan ng eksena ang co-stars niya (yes, ma­ging ang female co-stars niya na kung tutuusin ay mas matagal meyk­apan kesa sa kanya!), pero waley pa si aktor dahil nagpapa-makeup pa ito.

COD as in cause of delay!

Eh kasi nga… hindi nawawala ang ‘beauty ritual’ ng kilalang aktor na paglalagay ng yelo sa kanyang fezlakey.

Ayun tuloy, tumatagal ang meykapan dahil may kung anik-anik pa siyang seremonyas.

“Vanity of vanities, all is vani­ty!”

Sanay na sa kilalang aktor ang co-actors niya.

Bonfire of the Vanities kasi ito, na mahihiya pati mga babaeng artista.

Mahulas na ang lahat sa set, huwag lang ang precious face niya.

ICE PA MORE!!!! (ALLAN DIONES)