Bulag ngang trulili ang pag-ibig. Hindi natin masisi si wholesome at rich celeb kung ma-fall in-love siya sa actor.
Packaged as rich ang image ni actor. Educated rich. May finesse. Buena familia. Pang-alta-sosyedad.
‘Yan ang pilit na paniniwalaan ng madlang pipol.
Pero palamutian man ng ginto ang matsing, ito’y unggoy pa rin. Matunog ang chism na galing sa iligal ang yaman nila.
Motto yata ng pamilya ay “packaging is the name of the game.”
Sosy-sosyhan, galante-galantehan sa mga showbiz insider. Kaya sana mag-research si hibang na old rich actress.
Magtanong-tanong sa mga insider. Bago magoyo. ‘Wag magbulag-bulagan.
In the name of fleeting love. ‘Wag kalimutan, laging sa huli ang pagsisisi.