AKTOR, MASAMA ANG LOOB SA PAGKALAT NG TALENT FEE

actor-aktor

NAGALIT ang isang aktor dahil sa mga naglabasang isyu kaugnay ng isang pelikulang nakatakda niyang gawin.

Masama ang loob ng aktor sa isang produksyon dahil lumabas at kumalat sa media ang kanilang napag-usapan hinggil sa talent fee.

Ang mga taga-produksyon lang ang kausap ng aktor tungkol doon at ang mga ito lang ang nakakaalam ng napag-usapan nilang figures.

Nakatitiyak siyang sa nasabing kampo nanggaling ang impormasyon na nakarating sa press.

Masama ang loob ng aktor dahil maayos ang kanilang usapan, tapos ay biglang nasa media na ito dahil masyado umanong namahalan ang produksyon sa kinowt niyang presyo.

Para sa aktor ay deserved niya kung anuman ang sinabi niyang halaga nang pag-usapan nila ang tungkol sa talent fee.

Alam ng aktor na mapi-play up nang husto ang personal niyang buhay at ang dating ugnayan nila ng magiging kapareha niya sa pelikula, kaya tama lang na magbigay siya ng halagang gusto niya, base na rin sa proyektong gagawin nila.

Maayos ang career ngayon ng aktor at meron siyang toprating na programa kaya para sa kanya, hinihingi niya lang ang nararapat para sa kanya.

At kung iisipin ang laki ng kinikita ng mga pelikula ng nasabing produksyon na ayon sa kanila ay umaabot ng kung ilandaang mil­yon, BARYA lang na matatawag ang hinihinging talent fee ng aktor.

Maging ang mga kaibigan ng aktor ay sinasabihan siya na kung tatanggapin niya ang nasabing proyekto, dapat ito ay WORTH IT.

Dahil sa nangyaring alingasngas ay tila lalong lumabo na matuloy pa ang nasabing proyekto.