ACTOR na feeling sikat na, tulala habang ini-interview ng apat na entertainment press!

Madaling makilala si not-that-young anymore actor dahil knows ng madlang pipol ang kanyang pinanggalingan.

Ang dami na niyang teleserye at soap opera pero kulang na kulang ang “shine, shine like stars in the heaven” status niya.

Nagka-movie na rin siya. Madalas, tinitigok siya agad-agad sa istorya.

May bago siyang serye ngayon. Sa hindi ina­asahang pagkakataon, na-sight siya ng 4 na showbiz press.

Beso-beso na may kasamang halakhakang nakakatulig ng tenga, kani-kanyang Q & A ang apat na sinasagot naman ni actor.

Kaya lang, nakasimangot si kuya at pabalang-balang kung sumagot.

Nairita ang apat na nagtatanong, lalo pa’t umiiwas ito ng tingin sa kanila.

Feeling siguro ni actor eh haharbatan siya ng apat na reporter pero hindi naman daw.

Biglang shockalulu ang apat na manunulat dahil nanlilisik na ang mga mata ni actor.

Namumula!

Tinapos nila ang tanungan portion.

Nag-thank you naman si actor at niyakap sila isa-isa, sabay alis na kinakausap ang sarili.