Aktor, nakaka-shock ang TALSIK

ANG guwapong actor na pamilyado ay maligaya sa kanyang buhay.

Naging madali ang pagpasok niya sa showbiz.

From pa-cute, nag-comedy siya. Nagkanta-kantahan, nagdrama, nag-bold, nag-action star.

Pati, hosting kinarir niya.

Sumubok din siyang magdirek pero hindi kagandahan ang ending dito.

Kasi, yumabang siya. Shout nang shout for joy sa mga crew at staff.

Hanggang sa lumamlam ang kanyang career.

Dahil kilala, nabigyan siya serye.

Eto na… sa presscon, super-iniinterbyu siya ng mga press & TV crew.

May naramdaman ang press people na talsik ng water.

Umuulan ba? May butas ba sa bubong? May nag-i-spray ba sa kanila ng tubig?

Shock boogie sila!

Sa mouth pala ni actor nanggagaling ang talsik!

Yes! Umiilag na ang mga nag-iinterbyu dahil basa-basaan na sila sa laway.

Pati mga cellfone & mikropono, nababasa na.

Kaya ASAP, tinapos ng press people ang interview. Paalis na ang media people… aba! Aba! Aba!

May nakalimutan palang ichika si actor!

Ang ending, isang dipa na ang layo ng mga nag-iinterbyu kay actor na super-chika, tumatawa pa habang nagpapatalsik ng magic saliva!