Nagpatawag ng press people ang isang actor. After kumain ng mga ito, siyempre pinaikutan siya ng kanyang mga inimbita at tinanong nang kung ano-ano.

Napansin ni actor ang isang male reporter na ubo nang ubo. “Okey ka lang?” sabi niya sa reporter na tila nandidiri.

Naging conscious tuloy si reporter at hindi na nakisali sa tanungan.

Hanggang sa dumating ang oras na nagkita na naman ang landas ng reporter at ang aktor.

Ubo nang ubo ang aktor.

Gusto sanang ibalik ni reporter ang tanong noon ni actor sa kanya. Muntik na talagang sabihin ni movie reporter ang “Okey ka lang?”

At medyo gumrabe ang ubo ni actor dahil may mga appea­rance siya na nakansela dahil sa kanyang ubo.

Sino si aktor na pinuna ang pag-ubo ng reporter hanggang siya naman ang ubo nang ubo afterwards?

Hmmm…. very visible siya sa telebisyon. Magaling siyang magsalita at in-love siya ngayon.

Hindi siya nawawalan ng raket sa telebisyon at habang tumatagal ay lalo siyang humuhusay sa mga role o work na ibinibigay sa kanya.