Aktor, pabalik-balik kay mayor

HINDI pa rin matanggal ang kayabangan ng sexy actress.

Galing ang hitad sa isang defunct all-female group na super sing, dance & acting.

Sobra-sobra ang pagka-busy nila noon. Ariba sa bayang magiliw

at sa iba’t ibang bansa.

Maraming may gusto sa kanila kaya choose the correct answer and drama nila kung mamili ng jojowain.

TV at pelikula, back to back! Ma­ging sa mga raket sa mga bar at club.

Lumaki ang mga ulo nila, pati mga suso at ba­lakang.

Nagtangusan ang kanilang ilong. Ganu’n din ang mother dear ng ating bida.

Buy kung buy ng mga bag at alahas.

Porke nagkakamal ng salapi ang daughter nila, walang tigil si mommie kapupunta sa ibang bansa.

Dahil hydrocephalus na ang ulo ni sexy actress, run to you ito kapag may fans na gustong magpa-picture sa kanya.

Si mudra, tillie moreno naman. Baka raw maga­lusan ang anak niyang ti­liling na yata sa kaartehan.

One day, isang araw…. Nagkita sa isang event ang isang kilalang bading at ang mayabang na sexy actress.

Umaatikabong chikahan syempre. Biglang tanong ni judidang, “Asan ang mudrabels ever mo?”

Walang kagatul-gatol na say ni sexy actress, “Nag-abroad na naman si mama! Naiinitan siya sa Philippines, eh!”

Tarusch vulva si mudra, ha?!

Kinabuksan, go si badingding sa bandang QC.

Aba! Aba! Aba! Na-sight ni badidang ang butihing mama ni actress, nakayuko!

Nagpa-rediscount ng cheke.

Tillie moreno to the highest level si Vadinger-Z, “Mama! Kiyemeru chururut ng daughter mo, nagpapalamig ka abroad! Anong ginagawa mo rito? Nagpa-rediscount ka, ‘no?!”

Dedma si mama. Parang walang narinig.

Dire-diretso siyang pumasok ng kotse.

Harurot ang car agad-agad!

***

Kung kasikatan ang pag-uusapan, pasok ang aktor na ito sa semi-finals.

Kilala kasi siya. Marami siyang naging teleserye.

Nagkaroon din siya ng mga

pelikula. Pero karamihan sa mga ito, flopchina.

Semplang.

Pero sa babae, blockbuster si kuya!

Kaya lang, lahat ng babaeng naging syota niya, nakipaghiwalay sa kanya.

Ang chika minute kasi, maliit ang kargada nito.

Eh nuknukan pa ng KURI (as in kuripot) si kuya.

In fairness, kung chumika si kuya eh mistulang dakilang makata.

Kaya ang mga babae, naaakit sa kanya at napapa-oo niya agad-agad.

Kagaganda ng mga naging jowaers niya. At sikat pa!

Hindi nga lang tumatagal.

Maliit na bagay iyon para sa kanya.

Take note, hindi siya affected.

Tuluy-tuloy ang buhay niya. Hindi na kailangang ipa-notarize ang katotohanang iyan.

May isang anak na si kuya sa dating jowa niya, pero binata pa rin siya.

Hindi rin isyu ang datung kay kuya.

Kasi naman, isang kindat lang at tawag kay bading na mayor… datung na.

Noong siya ay bagets pa, alaga na siya ni ba­ding na mayor.

Nang pinasok niya ang pag-aartista, super-tulong pa rin si mayor. Kapag naubusan siya ng allowance, open ang pitaka ng mapagpalang bading.

Kapag may bibilhin si kuya, call lang kay ma­yor, buy na!

Pero ang bayad, hotdog niya.

Kung titingnan si actor ngayon, guwapo pa rin siya. Hunk. Pogilicious.

Kaya si mayor, kese­hodang may asawa at anak na, isang tawag lang ni actor, nagkakandarapa.

Iba kasi ang bigay na sarap ni actor sa kanya kesa sa misis niya.