tonite-no-thanks-cristy-ferminBonggang-bonggang magregalo ang isang pamosong young actress sa kanyang boyfriend.

Pinaghahandaan-pinag-iipunan niya ‘yun dahil hindi naman basta-basta ang halaga ng ireregalo niya.

Sagana sa mamahaling branded stuff ang male personality mula sa kanyang girlfriend. Relo na milyunan ang halaga, motor na hindi ito magkakaroon dahil hindi kaya ng kanyang bulsa, spoiled na spoiled ang male personality nu’n sa mapagmahal nitong karelasyon.
Kuwento ng aming source, “Pero ang male personality, e, walang pakialam sa kung ano ang ikaliligaya ng girlfriend niya. Tanggap lang siya nang tanggap, pero ang girl, e, palaging nganga!

“Ang nakakatawa pa, e, ‘yung isang Pasko na mamahaling relo ang iniregalo sa kanya ng girl, as in, milyong ang halaga nu’n. May iniregalo naman siya sa girlfriend niya, nagpabili siya ng mga delicacies mula sa probinsiya nila, binalot ‘yun ng Christmas wrapper, ‘yun na ‘yun!

“Natural, para sa isang babaeng sobrang magmahal sa karelasyon niya, e, balewala ‘yun, ang mahalaga raw, e, hindi siya nakalimutang regaluhan ng boyfriend niya!
“Pinagtatawanan ng mga friends niya ang regalo ng boyfriend niya, hindi man lang daw siya pinaghandaan, puro tanggap lang ang alam ng karelas­yon niya,” kuwento ng a­ming source.

Throwback ang kuwentong ito, fast forward na tayo, may bago nang karelasyon nga­yon ang male perso­nality at ang mapagmahal na young actress.

“Ganu’n pa rin ang ganap. Wala talagang pakialam ang guy sa mga importanteng okasyon. Kahit ang girlfriend niya ngayon, e, hindi rin naman nakakatanggap ng regalo mula sa kanya.

“Ewan kung kakuriputan na ang pinaiiral niya o wala lang talaga siyang pakialam, pero kung ganu’n na tumatanggap siya, e, dapat din niyang matutuhan ang pagbibigay!

“Sabi ng isang friend niya, e, nasanay na raw kasi ang lalaking ‘yun na siya ang binibigyan. Remember, nagiging boy toy siya nu’n ng mga kilalang becki, di ba?” pagtatapos ng aming impormante.

Kaya naman pala.
***
Catriona hindi binigyan ng problema ang mga hurado

Kung mga ilang linggo lang ay laganap pa rin ang lagnat ng buong bayan sa pagwawagi ni Cat­riona Gray bilang Miss Universe. Minsan pang isinulat ng isang Pinoy ang pangalan ng ating bayan sa mapa ng mundo. 

At karapat-dapat lang namang siya ang mag-uwi ng korona. Sa kulang isandaang kalahok sa malawakang pa­timpalak sa buong mundo ay angat na angat ang kumbinasyon ng kagandahan at katalinuhan ni Catriona.

Pang-apat na siyang Miss Universe ng ating bansa, ipinagbubunyi siya ng mga naunang nag-uwi ng korona na sina Gloria Diaz, Margie Moran at Pia Wurtzbach.

Nu’ng lumahok siya sa Miss Albay kung saan nag-ugat ang kanyang ina ay naging hurado ang kaibigan-anak-anakan naming si Teacher Norman Llaguno. Sa simula pa lang ay hindi na niya binigyan ng problema ang mga judges. Siya na agad ang liyamado.

Sabi ni Teacher NL, “Nu’n pa man, e, siya na talaga ang crowd favorite. Lahat ng special awards, pati title, sa kanya lahat ‘yun. Ibang-iba ang confidence niya kahit nu’ng bata pa siya,” sabi nito.

Ang kaibigan naman naming si Lina Valdez Cristi na matagal nang naninirahan sa Sydney ay nag-text agad sa amin nang koronahan nang Miss Universe si Catriona Gray.

“Friend ng sister ko ang mommy ni Catriona, they live in Queensland. Low key na siya talaga kahit nu’n pa, manang-mana sa parents niya na very humble at low profile lang.

“Ang lahat ng mga Pinoy dito sa Australia, nagbubunyi! Ang sarap-sarap talagang maging Pinoy!” sigaw ng aming kaibigan.
Totoong-totoo naman.