Naimbitahan ang aktor sa isang showbiz party. Noong kabataan niya ay sumikat talaga siya nang todo. Kumita rin ang kanyang mga pelikula. Kung sino-sino na lang ang kanyang naka-love team pero palaging patok.
Isang kontrobersiyal na female singer ang nagpa-party. Since madatung, bongga ang kanyang handa.
Makikita si aktor na panay ang balik niya sa malaking lechong baboy. Apaw-apaw ang kanyang plato.
Kung lumantak, akala mo ay patay-gutom. Para bang ngayon lang nakakain ng lechon.
Ganu’n daw talaga siya. Lamon siya nang lamon ng ulam pero hindi raw siya kumakain ng kanin.
Mukhang wala naman siyang iniinda sa kanyang katawan kahit na kung lumantak ng matatabang pagkain ay akala mo ay bibitayin na.
Sino si aktor na kung lumafang ng lechon ay akala mo ay mauubusan na ng handa? Hmmm…. talagang sikat siya noon. Mayroon siyang kamag-anak na nasa showbiz din at hanggang ngayon ay namamayagpag sa telebisyon.
May maganda siyang wife na may connect din sa showbiz.