Bulong-bulungan na nagkaroon ng relasyon ang isang actor-politician (AP) at isang female politician (FP) na parehong nahalal muli sa mahalagang posisyon sa gobyerno.

Ang sabi-sabi ay nagkaroon ng affair si AP at si FP nang magkasama sila noon sa trabaho bilang pareho nga silang may importanteng puwesto sa gobyerno.

Ngayon, fresh from their recent victory sa katatapos na halalan ay nakatakdang magtagpo muli ang mga landas nina AP at FP.

‘Yung mga aware sa secret love story nina AP at FP ay tila nakaabang ngayon kung anong magiging eksena ng dalawa sa kanilang workplace.

Magiging sweet kaya sila sa isa’t isa tulad ng dati o magiging civil na lang para disimulado at hindi mahalata ng iba na once upon a time ay nagkaroon sila ng matamis na pagtitinginan?

Tila malabo naman silang lumantad at maging open sa affair nila dahil may asawa si AP.

Si FP naman ay hiwalay na raw sa asawa. At ang nakakalukring na twist sa istoryang ito, na-involve si FP kay AP pero may pagka-tomboy rin daw ito.
Taruzsh! Gender fluid kaya si FP and she’s enjoying the best of both worlds?! PAK!!
***

Bondoc nadurog

Trending si Jimmy Bondoc kahapon sa Twitter dahil sa matatapang niyang hanash at kuda sa Facebook na obvious namang ang pinatutungkulan niya ay ABS-CBN.

Alam ng lahat na wala pang kasiguraduhan ang franchise renewal ng Kapamilya network dahil galit dito si Presidente Digong, tapos ay may hanash si Jimmy na excited siyang makita ang pagsasara ng biggest TV network, sa mga kadahilanang inisa-isa niya.

Base sa post ng “Let Me Be the One” singer ay inaabangan na niya ang pagbagsak ng naturang network at natutuwa raw siya na dumating na ang oras nito.

Umaray at umalma siyempre ang mga Kapamilya at todo-tanggol sila sa kanilang home network. Durog na durog si Bondoc sa mga comment nila, na galit na galit at nanggigigil sa kayabangan ng singer na biglang pinag-usapan dahil sa isyung ito.

Mukhang ine-enjoy naman ni Jimmy ang kanyang 15 minutes of fame dahil panay ang sagot niya.

Nang buweltahan siya ni Angel Locsin sa Twitter na ang maging masaya na mawalan ng trabaho ang libo-libong tao ay ‘pure evil,’ may mahabang sagot agad dito si Jimmy.

Katwiran nito, hindi raw patungkol sa artists o mga kawawang empleyado ang post niya kundi sa sistema at sa mga hindi karapat-dapat na benipisyong natanggap ng network mula sa mga nakaraang administrasyon.

Sey ng mga netizen, matapang lang si Jimmy dahil malakas ito sa Duterte administration. Kasalukuyan itong may appointed position bilang AVP for Entertainment ng PAGCOR.

Sumbat sa kanya ng mga Kapamilya, kung makapagsalita si Jimmy ay parang hindi ito nakinabang dati sa ABS-CBN.

Bukod sa panay ang guesting niya noon sa mga show ng Dos, nabigyan din daw siya ng network ng chance para mag-shine at maipa-kita ang kanyang talent bilang singer.

So, nasaan na raw ang tinatawag na gratitude?

Anila, ang bigat nu’ng paratang ni Jimmy na, “Art and culture have been ruined by this network.”

Hirit tuloy ng isang imbiyernang Kapamilya, “Kung makapagsalita naman ‘tong si Jimmy Bondoc. Ikaw po ba, ano ang naiambag mo sa pag-prosper ng art and culture? ‘Yung one and only hit mong ‘Let Me Be the One’?!”

Si Angel ang pinakapalaban at pinaka-vocal sa mga Kapamilya stars, pero mukhang hindi pa tapos ang isyung ito at marami pang magrereak laban sa matatalas na pananalita ng feeling powerful ngayon na si Jimmy Bondoc.