Aktor-politiko malikot sa aparato

Isang sexy model ang nagtsika sa aming matinik na source ang pagiging katikatera ng isang actor-politician. Katikatera, as in kapag kinakati raw ito at may natipuhang babae, para siyang si Gat Andres Bonifacio na sugod daw agad nang sugod!
Kuwento ng aming spy, “Sa isang event na present ang actor-politiko ay nakatagpo niya ang sexy-model at dito’y bumuladas na agad si lalaki na mula sa pamilya ng mga taartits (artista). And palibahasa nga ay makati ang mokong na ito, binuntutan na niya agad ang seksing bebot.
 “Hindi pa nagtatagal ay nagulat daw ang sexy model dahil niyaya na siya ni actor-politician na magpunta sa ibang lugar. Na tila gusto na agad palabasin ang init sa kanyang katawan! O divah, hindi lang mabilis sa babae, ma-L pa talaga ang damuho!” Nakatawang saad ng aming espiya.
 Dagdag na kuwento pa niya, “You wanna hang out, labas tayo?’ Ito agad ang dialogue niya sa babae, diniretsa na raw siya agad ni actor-politiko dahil type na agad niya na umabot sila sa gusto niya, which is sex siyempre!”
 Pero hindi raw umubra ang pagiging mabilis nito sa babae, dahil hindi naka-first base ang actor-politiko sa natipuhan niyang sexy-model at hindi ito pumayag na sumama sa actor/politician.
 “Pero atat na atat yata talaga si actor na matikman ang special bibingka ng hottie na babae, kaya idinaan niya ito sa text at tawag sa cellphone. Na kalaunan, pumayag na makipag-date rin sa actor-politician ang sexy-model.
 “Pero ang siste, naudlot ang date ni actor-poltician sa sexy-model dahil nabuking ito ng misis niya. Pamilyadong tao pala itong si actor-politician pero mahilig pa ring tumikim sa iba!” Patiling kuwento pa ng aming spy.
Ang actor-politician ay mula sa South at anak ng isang taga-showbiz din na kilala sa pagiging matinik din sa mga chicks.
Yun na!