Noon pa napabalita na berde ang dugo ng aktor na ito although noong una ay may loveteam siya. Hindi rin nagtagal dahil nga mas gusto ni actor ang hotdog kesa sa monay.

Bet niya ang isang aktor na matikman. Nang malaman niya na nakatira ito sa condo na kanyang tinitirhan, nagkaroon ito ng bright ideas para maisakatuparan ang kanyang balak.

Ang buong pag-aakala niya ay easy-to-get ito. Niyaya niya ito na mag-dinner sa kanyang unit. Pumayag naman si actor B. Naligo at nagpabango si actor. Sandamakmak na scented candles ang kanyang sinindihan para romantic kapag nauwi sa kama ang kanilang dinner.

Pero pagbukas ni actor A, laking gulat niya dahil kasama ni actor B ang kanyang girlfriend na taga-showbiz din.
‘Di maipinta ang mukha ni actor A sa kanyang nakita pero pinatuloy pa rin niya ang dalawa at nag-dinner.

After ng dinner ay bigla na lang nagdahilan si actor A na may meeting pa siya. Pero ang totoo, wala at ayaw lang niyang makita ang pagmumukha ng GF ni actor B.

Hanggang ngayon ay hindi pa natikman ni actor A si actor B.

Si actor A ay focus ngayon sa kanyang mga negosyo although umaarte pa rin naman. Si actor B naman ay nahahanay sa indie films.