ACTOR, nagladlad na!
Iyan ang pasabog na chika ng isang beking nakita ko kamakailan sa Robinson’s Ermita.
Hindi ko kinaya ang sobrang daldalkina ni bading. Selfie nang selfie si bekibel at ang kasama nitong pa-mhin.
Rumatsada ang bibig niya at ang tili, “BLIND ITEM! The WHO si actor na nasa late 30’s na, ginagabi-gabi ang pagrampa sa bath house na galaan ng mga Sirena, Diwata at Halamang-Dagat?!”
Sa true lang, alam ko ‘yung place at marami na akong narinig na hiwaga o milagro sa pugad na iyon, pero hindi pa ako nakakapasok sa tanang buhay ko.
Ang eyewitness report sa akin, naka-towel lang ang mga vaklush na rampa kete rampa hanggang may matisod na KAPWA KO MAHAL KO at gora na sila sa kuwarto.
Tatlong beses na niyang nasilayan si actor sa nasabing pugad at muntik na niyang ma-booking si actor.
Ayaw ko pa sanang maniwala kaya pina-describe kong mabuti ang itsura ni actor.
Mabilis pa sa 4:00 AM ang kanyang tugon — mashongkad, gwapo ang fez pero ngarag ang itsura na parang nakadroga.
“Ala!”
‘Yan lang ang nasabi ko.
Madaling-araw daw kung pumunta roon si actor na laging naka- cap at walking short.
WOOOOOOHHHHH!