SUPPORTING actor na regular sa isang serye, hina-hunting ang male model na nag-artista at madalas nakikita sa mga commercial.
Si actor ay may pagka-bading. Napakaswerte niya dahil kasama siya sa isang sikat na primetime soap.
Hindi man ganu’n kaimportante ang role niya, halos araw-araw siyang napapanood.
Si male model naman ay controversial noong bago pa siya sa modeling.
Marami kasing nagkakagusto sa kanyang bading na mga rich & famous.
Pumapatol si male model sa tamang halaga. Nang tumagal-tagal ay lumabas ang totoo niyang pagkatao.
Naging jowa ito ng mga taga showbiz. Nagkaroon ng condo unit, kotse at mga mamahaling gamit.
Hanggang na-link siya sa isang kilalang personality na friend daw ni supporting actor.
Nabaliw si kilalang personality kay model.
Nahibang. Nahumaling.
Nabalitaan ni supporting actor na may iba pang bading na nirarasyunan at ginagatasan si model.
Nainis si supporting actor dahil sobrang in lovey sobra ‘yung friend niya kay model.
Kaya ayun… hina-hunting ni aktor si model.
Ipagtatanggol ni aktor ang gay friend niya na laging umiiyak ang puso.
Wala nang usap-usap, sasapakin niya agad si model na maraming jowang bading!
***
Young actor, mapili sa make-up!
Gusto niya, branded na make-up ang ginagamit ng mga sikat at yayamanin.
Sa isang mall show, guest si young actor. Dahil kilala naman siya, kung maka-demand ay parang mas mataas pa kesa sa mga sikat na artista ng bansa.
Before ang mall show, dapat mumuk-apan muna siya sa waiting area.
Ayaw niya rin ng oily food. Ang water ay dapat mamahalin din.
Maaga siyang dumating pero naka-hoodie siya at hindi masipat ang fez.
Waaahh muna pictorial session dahil wala pa siyang pundasyon sa caracas niya.
Enter na siya sa waiting area at nandoon na ang make-up artist. Nakalatag na ang mga gagamiting make-up kay young actor. Unang chika ni actor, “Anong gamit mong make-up?”
Buong ningning na sumagot si vaklang make-up artist, “Eto po ang Mac, gamit po ng mga sikat na artista. Ready na po tayo!”
Talakitok ni young actor, “Ayaw ko n’yan! Mas gusto ko ‘yung mas mahal d’yan na ginagamit ng mga Hollywood celebrity! Nagkaka-rashes kasi ako d’yan!”
Natigalgal si joklang make-up artist.
Hindi nakahuma.
Hindi nakapagsalita.
Nang mahimasmasan ang diwa, bigla itong tumalilis palabas.
Hinabol siya ni julalay at pinakiusapang bumalik.
Pagpasok ng waiting area, waaahh na kibo si young actor.
Maayos naman ang nangyari. Minasilya ni ate nang pinung-pino ang fezlak ni kuya.
Ang ending, nagustuhan naman ng maarteng young actor ang make-up sa kanya.
Give siya ng tip na P500 with matching picture-picture na pan-souvenir.
May beso pang bonus!