Isang malapit mismo sa aktor ang nagkuwento sa amin kung paano binago ng showbiz ang ugali nito. Nu’ng maliit pa ang pangalan nito ay pinag-produce pa niya ng show sa isang maliit na bar. Napakabait daw ni aktor.
Kaya naman ikinatuwa ng aming source na lumipat ito sa ibang network. Nabigyan ng break, sumikat at nagkaroon ng maraming project mapapelikula at telebisyon.
Pero kasabay ng pagsikat ay paglaki na rin ng ulo.
Sa muling encounter ng aming source sa aktor ay magpapa-picture sana ang mga ito kasama ng mga kaibigan niya pero napakatagal lumabas nito sa kanyang dressing room.
Ang the height ay nakasimangot pa. Feel na feel daw ng aming source ang pagbabago dahil hindi na siya nakilala nito.